SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
IBANG klase! Mapa-comedy o drama, mahusay talaga si Barbie Forteza kaya tama lang na siya ang kinuha ng Regal Entertainment Inc.. para gampanan ang karakter ni Cherry sa Saving Cherry na palabas na ngayon sa mga sinehan.
Panalong-panalo ang pagkakaganap ni Barbie bilang Cherry na niloko ng napangasawang si Khalil Ramos. Tapos sinamahan pa siya ng mga kwelang sina Mika Salamanca, Sassa Gurl, AC Bonifacio, at Mikee Quintos na mula sa direksiyon ni Ivan Andrew Payawal.
Parang nakikita namin si Maricel Soriano sa mga ilang eksenang ginawa ni Barbie, kaaliw! Kaya sa mga gustong maaliw, tamang-tama ang pelikulang ito.
Pang-barkada, pampamilya. Bagamat may mga eksenang sexy, ayos pa rin ito sa pamilya dahil tinalakay din dito kung paano magsusuportahan sa oras na may mabigat na problema ang isa sa miyembro ng pamilya.
Maayos na nailahad ni Barbie ang iba’t ibang emosyon na hinihingi ng kanyang karakter. Muling niyang pinatunayan ang kanyang versatility as an actress. Hindi biro ang karakter niya bilang si Cherry na isang babaeng inalagaan ang virginity para sa lalaking mapapangasawa pero sa mismong araw ng kanilang kasal ay nahuli niyang nakikipagtalik sa iba ang kanyang groom (Khalil) sa dating karelasyon.
Napansin namin ang husay dito ni Mika bilang kaibigan ni Barbie na pokpok. Carry niya ang role na ito. Medyo na-bother lang kami sa laki ng boses ni Mikee pero ok na ok naman ang acting niya same with AC.
Sa kabilang banda, Grabe ang suportang nakuha ni Barbie mula sa kanyang mga kaibigan gayundin sa kanyang mga boss sa GMA.
Of course dumating sa Grand Premiere Night ng Saving Cherry na ginanap sa Gateway Cinema 11 ang producers nitong sina Regal Entertainment executives Roselle Monteverde at Keith Monteverde.
Sinuportahan din ng ilang kilalang celebrity ang cast members ng movie sa pangunguna ng malalapit na kaibigan ni Barbie na sina Asia’s Multimedia Star Alden Richards at Kapuso actress Bianca Umali.
Nagbigay-suporta rin sina Alexa Ilacad, Darren Espanto, Angela Ken, River Joseph, Will Ashley, Matt Lozano, Kim Molina, Ashley Ortega at marami pang iba.
Ang Saving Cherry ay perfect din talaga sa barkada kaya sa magbabarkada riyan go na kau dahil tiyak na patatawanin kayo nang malala sa mga kalokahan at kabaliwan ng mga bida at paiiyakin din kayo nang bonggang-bongga.
After ng Grand Premiere Night ng Saving Cherry, nakatanggap ng malakas na palakpak si Barbie at iba pabg mga kasama sa pelikula.
“Guys, I feel sooo attacked! Charot. Ha-hahaha!,” panimulang mensahe ni Barbie after ng movie.
“First time ko lang napanood ang pelikula. So, I guess lahat kayo ay nakikinig lahat, when I say na this is the most freeing film I’ve ever done.
“Ito ang pinaka-nakapagpalaya sa akin, na tipo ng proyekto. Buong pasasalamat ko sa Regal Entertainment, of course sa director ko si Direk Ivan.
“At siyempre, sa lahat ng mga aktor na kasama ko sa pelikula. Maraming salamat for coming on board, and for joining in this wild ride!” tiling wika pa ni Barbie.
Mapapanood na ang Saving Cherry sa mga sinehan nationwide simula kahapon, September 2. Kaya watch na n’yo.
