SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
TIYAK na masayang-masaya ang producer ang pelikulang Quezon, ang TBA Studios dahil sampung nominasyon ang nakuha nila sa 49th Gawad Urian na gaganapin sa Oktubre sa De La Salle University, Taft Ave., Manila.
Walong nominasyon ang nakuha ng
mga pelikulang Cinemartyrs ng Cinemalaya Foundation at Kino Arts at Sunshine ng Project 8 Projects, Anima Studios, Happy Infinite, at Cloudy Duck. Pitong nominasyon ang sa Bar Boys: After School ng 901 Studios.Tiglima ang Bloom Where You Are Planted ng Taripnong Cagayan Valley, Hyperfocus, at WAF Studios, at Manila’s Finest ng Cignal TV, MQuest Ventures (MediaQuest Holdings), at Spring Films.
Apat ang Habang Nilalamon ng Hydra ang Kasaysayan ngKayan Productions at Nathan Studios; tigatlo ang mga pelikulang Republika ng Pipolipinas ng Fusee at Pelikula Indiopendent; Raging (Rumaragasa) ngCinemalaya Foundation, Daluyong Studios, at WAF Studios; Child No. 92: Anak ni Boy Kana ngOutplay Media Production at Cinemalaya Foundation; at Magellan ngRosa Filmes(Portugal), Andergraun Films (Spain), Black Cap Pictures(Philippines), at Ten17P (Philippines).
Tiga-dalawa naman ang nakuha ng mga pelikulang I’mPerfect ngNathan Studios; Paglilitis, Tigkiliwi, Some Nights I Feel Like Walking, Lakambini: Gregoria de Jesus, at Salum.
Isang nominasyon naman ang ng Dreamboi, Meet, Greet & Bye, at Song of the Fireflies.
Maglalaban-laban sa Best Film ang Bar Boys: After School, Bloom Where You Are Planted, Cinemartyrs, Quezon, at Sunshine.
Sa Best Director sina Noni Abao para sa Bloom Where You Are Planted; Sari Dalena sa Cinemartyrs; Antoinette Jadaone para sa Sunshine; Kip Oebandapara Bar Boys: After School, at Jerrold Tarog para sa Quezon.
Maglalaban-labam naman sa Best Actress category sina Ann Krystal Go para sa I’mPerfect; Nour Hooshmand para sa Cinemartyrs; EJ Jallorina para sa Dreamboi, Odette Khan para sa Bar Boys: After School, Maris Racal para sa Sunshine, Rissey Reyes-Robinson para sa Paglilitis, Ruby Ruiz para sa Tigkiliwi, at Geraldine Villamil para sa Republika ng Pipolipinas.
Maganda rin ang line up sa Best Supporting Actress. Magtutunggn sa kategoryang ito sina Dolly de Leon para sa Habang Nilalamon ng Hydra ang Kasaysayan; Alessandra de Rossi para sa Republika ng Pipolipinas; Elora Españo para sa Lakambini: Gregoria de Jesus; Jennica Garcia para sa Sunshine; Gina Pareñopara sa Lakambini: Gregoria de Jesus; Rochelle Pangilinan para sa Child No. 82; at Eula Valdez para sa Paglilitis.
Pasok sa Best Actor sina Earl Jonathan Amaba para sa I’mPerfect; Jomari Angeles para sa Some Nights I Feel Like Walking; Carlo Aquino para sa Bar Boys: After School; Elijah Canlas para sa Rumaragasa; Julian Paul Larroder para sa Tigkiliwi; Jojit Lorenzo para sa Habang Nilalamon ng Hydra ang Kasaysayan; Miguel Odron para sa Some Nights I Feel Like Walking, at Jericho Rosales para sa Quezon.
Sa Best Supporting Actor naman ay kasama sa mga nominado sina Will Ashley para sa Bar Boys: After School; Amado Babon para sa Magellan; Rico Blancopara sa Manila’s Finest; Joshua Garcia para sa Meet, Greet, Bye; Enrique Gil para sa Manila’s Finest; Iain Glen para sa Quezon, at Nanding Josef para sa Habang Nilalamon ng Hydra ang Kasaysayan.
Ang Gawad Urian ay taunang parangal mula sa Manunuri ng Pelikulang Pilipino para kilalanin ang outstanding achievements sa Filipino cinema.
