NANATILI ang lakas ng bagyong Pilandok habang nasa Philippine Sea sa silangan ng Extreme Northern Luzon, ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astrological Services Administration (PAGASA) kahapon.
Huling namataan dakong 11:00 ng umaga si Pilandok sa layong 1,160 kilometro silangan ng Extreme Northern Luzon, sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR). Sinabing stationary ang galaw ng bagyo.
Taglay ang lakas na 55 kph ng hangin malapit sa gitna at may pagbugso na umaabot sa 70 kph.
Ngayong Martes, 1 Setyembre, inaasahang lalakas pa si Pilandok bilang isang tropical storm.
Sa Miyerkoles, 2 Setyembre, inaasahang hihina at muling magiging tropical depression.
Hindi magla-landfall si Pilandok at mananatiling malayo sa lupain ng Filipinas.
Tinatayang lalabas ng PAR si Pilandok pagsapit ng Miyerkoles, 2 Setyembre.
