RATED R
ni Rommel Gonzales
ISANG bagong aabangan sa VMX ay ang Masarap na Bawal.
Mas nakatutukso kapag hindi puwede, mas nakaaakit kapag kailangang pigilan, mas masarap kapag bawal…
Abangan sa VMX ang isang special feature tampok ang mga pelikulang puno ng intriga at mapusok ang mga istorya. Masarap na Bawal, ngayong September 1 na sa VMX!
Mga kuwento tungkol sa bawal na pag-ibig, eskandalo, pagtataksil, pagiging sex worker, open
relationships, at same-sex partners – ilan lamang ito sa matatapang at walang takot na mga
kuwentong tampok sa mga pelikulang mapapanood sa VMX.
Lahat ’yan ang babalikan at sasariwain sa Masarap na Bawal. Mula sa direksiyon ni Lawrence Fajardo at hosted by Ashley Lopez, tampok sa special feature na ito ang mga eksena mula sa mga pinag-usapan at umingay na VMX films, ang Selina’s Gold, Scandal Queen, Teacher’s Pet, Call Me Alma, Boss Ma’am, Nurse Abi, Sugar Mommy, at Palitan 2.
