I-FLEX
ni Jun Nardo
PUMIYOK na ang singer na si Thea Astley na pinagbibintagang dahilan ng hiwalayang Miles Ocampo at Elijah Canlas, huh!
Eh may video palang lumabas na spotted sina Elijah at Thea sa isang palengke sa La Union. Lalo pang umigting ang tsismis sa kanila na may kasamang holding hands umano ang dalawa kaya inakusahan ang singer na third party sa hiwalayang Miles at Elijah.
Itinanggi na ang tsismis ni Thea sa naglabasang post sa socmed. Matagal na silang friends ng aktor.
Taken out of context daw ang post dahil namimili lang daw sila ng gulay para sa lulutuing pinakbet!
Nasaktan daw siya sa ibinabatong salita gaya ng kabit at malandi na pati pamilya eh naapektuhan.
Wala pang pahayag sina Miles at Elijah sa tsismis na hiwalay na sila.
