Ashley Lopez nagtatakbo ng walang saplot sa kagubatan

Ashley Lopez

I-FLEX
ni Jun Nardo

NAGTATAKBO nang hubo’t hubad ang VMX star na si Ashley Lopez para sa special feature na Masarap Na Bawal na streaming na ngayong sa VMX.

Host si Ashley ng special feature na muling mapapanood ang mga eksena sa nakaraang VMX movies na may temang bawal.

Pero may dagdag na bonus si Ashley dahil tumakbo siya ng walang saplot sa kagubatan! Nagpasinatabi naman daw siya sa mga umano’y nakatira sa gubat.

Marami raw siyang ginawang maiinit na eksena sa gubat kahit may mga insektong kumakagat sa kanya.

Ang isa pang VMX na streaming na ay ang bagong version ng Over Drive na ginawa noon nina Maui Taylor at Katya Santos na mas matapang ayon sa director na si Bobby Bonifacio, Jr..

Bida sa Over Drive sina Apphle Celso at Angel Castro at ang mga lalaking makakaromansa nil ay sina  Benz Sangalang at Juan Calma.

Parehong kikay at matapang sina Apphle at Angel ayon sa director na kailangang awatin sa katapangan lalo na sa mga eksenang kikiliti ng imahinasyon ng VMX clients!