Bea Binene Wilbert Ross WilBea Love U Lots

WilBea pinadagundong Robinson’s Manila

HARD TALK
ni Pilar Mateo

FIESTA feels. 

Ang bumungad sa media sa Atrium ng Robinson’s Manila para sa grand media launch ng panibagong Bea Binene at Wilbert Ross project sa Viva One, ang#LUL o Luv U Lots na matutunghayan na simula July 24, 2026.

Kagagawan pala ng kanilang nagmamahal na supporters ang umapaw na mga merchandise na inihatid para sa mga dumalo.

May pa-pantry na naka-pamalengke ka ng mga gulay na panluto. May pa-caricature. Taho. Sorbetes. At mga pa-scratch it game para makakuha ng mga produktong ilulunsad pa lang sa business nina Bea at Wilbert.

Interesante ang pelikula na not one, not twice, nor thrice ang personalidad ng karakter ni Bea kundi pito!

Pero wala raw naging kahirap-hirap si direk Victor Villanueva sa pagsi-shift ng mga karakter ni Bea sa eksena. Dahil nakita niya hindi lang ang chemistry ng ilang beses na ring nagkakasama sa mga proyekto nila kundi kung paano sila mag-collaborate sa pinag-uusapan nilang mga gagawin nila sa harap ng kamera.

Kilig feels ang buong atrium. Dumadagundong kapag natatanong ng mga personal na bagay ang dalawa.

Lalo na nang sinabi  ni Wilbert na ang girlfriend material na si Bea ay pwedeng mag-level-up sa pagiging wife material. Na hindi naman tinutulan ng dalaga.

Dahil swak naman sa qualities na hanap ni Bea sa would be special someone ang marespeto, genuine at nakikita niya kay Wilbert ang pagiging goal-oriented at focused nito sa kanyang perspective.

Overwhelmed ang dalawa sa suporta ng fans nila na talagang gumagastos sa bawat kilos nila. At ito na ‘ata’ng grand mefia con ang pi aka sa rami ng pinakawalan nilang goodies para sa lahat.

Kaya nga nagsimula na ng kanilabg business sina Bea at Wilbert. Na mga merchandise like caps, shades,  cookies, cheese buns ang mula kay Bea sa kanyang Sunset Avenue products. At ang mga komiks naman ang kay Wilbert sa mga karakter na  binubuhay niya sa kanyang Adhikain comics gaya ni Atleta.

Limitado pa lang ang stocks nila pero sinisiguro nilang after ng soft launch, mas maraming makikita at mabibili ang kanilang fans at tagasubaybay.

Sa karakter niya bilang Ysa, sinabi ni Bea na bawat isa ay may certain Bea-Ness na makikita.  With DID (Dissociative Identity Disorder), ang gifted at emotionally complex  painter ang magpapatibok sa puso ng kanyang bestfriend na si Estong (Wilbert).

Excited na ang lahat na sa pagharap pa lang sa kanila ay ‘di na magkamayaw sa tilian at pagsasaya sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng kanilang mga idolo.

Fiesta feels. Yes! More than that is the “kilig” na nagpapadagundong sa isang lugar! Sa isang paraang inspirasyon ang dinadaluyan ng loveteam.