Monday , June 29 2026
Andrew E PMPC Star Awards for Music

Andrew E., dumanas ng higit 500 rejections, ganap nang isang icon ngayon, pinarangalan pa ng Lifetime Achievement Award for Music

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ISANG natatanging pagpupugay at pagkilala ang iginawad sa nag-iisang “King of Pinoy Rap” na si Andrew E., sa katatapos na 17th PMPC Star Awards for Music. 

Dito’y pinarangalan si Andrew ng Pilita Corrales Lifetime Achievement Award sa event na ginanap sa Teatrino, Greenhills last June 25, 2026.

Bago tinanggap ang award, ang rap group 

na Salbakuta ay naghandog muna nang ilang hit songs ni Andrew. After ng performance ng grupo, pagkakataon naman ni Gloc-9 na ipakilala ang awardee.

Panimula ng speech ni Andrew, “Sobrang laking karangalan ito, so, hindi ko alam kung kaya kong tapatan ang pasasalamat… lalong-lalo na sa buong PMPC Star Awards for Music. The group has been my friends for 30 years, na sila iyong talagang nasa likuran ko and at the same time ay tunay na sumusuporta for me to strive more.”

Tapos pasalamatan nang taos puso ang PMPC, pinasalamatan din ni Andrew ang mga naging bahagi ng kanyang makulay na showbiz career.

“First door na nagbukas sa akin para ako’y makilala ninyong lahat, is of course the one and only RJ Jacinto and the Ventures. Na sila ang gumawa ng ‘Humanap Ka ng Panget” way back 1990.

“Napakalaking salamat of course for the one and only Boss Vic del Rosario and sa buong Viva Records and Viva Films for making me an Andrew E., na talagang lalong pinalaganap sa masa at the same time ay lalo po akong nakilala. Kasi po, bukod sa pagiging rapper ay nabigyan ako ng chance na maging artist at comedian, para makapagpaligaya ng maraming tao sa buong bansa.”

May iba pang mahahalagang taong pinasalamatan si Andrew, tapos ay sinabi niya ito, “Of course siyempre, a big, big shout out sa ating Panginoon dahil Siya po ang talagang nagbigay sa akin lahat nang ito.”

Sinabi ni Andrew na ang Diyos ang saksi sa mga kabiguan na kanyang dinanas sa buhay, kasama na rito ang higit sa 500 rejections bilang isang artist.

Hindi siyempre niya makakalimutan ang kanyang mahal na pamilya, “Of course sa aking pamilya, sa aking wife na si Mylene, ‘Thank you so much’, Fordy, Jassley, Ichiro, sa aking mga magulang and of course sa mga kaibigan, at sa inyong lahat, maraming-maraming salamat po.”

Sa hiwalay na panayam, animo nagbalik-tanaw si Andrew sa mga danas na rejection.

Aniya, Kung bibilangin mo na na-reject ako sa lahat nang three times and four times a week, suma-total in as much, it will total more than 500. So, imagine mo iyon, for 500 rejections, naging kalakip iyon ng puso ko na hindi ko na kailangang bilangin pa, kundi ramdamin ko lang na each and everyday na nare-reject ako, and make me stronger and make me more determine to really do the challenge.

“Kasi for me, there’s no other way around, except to really go forward and move forward,” sambit ng astig na rap icon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Richard Quan Sigabo Coco Martin

Richard Quan, hindi tumanggap ng 2 pelikula para sa seryeng “Sigabo” ni Coco Martin

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAPAPANOOD na ngayon ang bagong seryeng “Sigabo” na pinagbibidahan ng tinaguriang …

Ashley Lopez Kainan

Donny type ipagluto ng sinigang ni Ashley Lopez  

MATABILni John Fontanilla VERY vocal ang VMX Star na si Ashley Lopez  sa pagsasabing gusto niyang pakainin …

Kim Domingo Arkie Rivera

Kim Domingo gumaling acid reflux ng natural wellness product

MATABILni John Fontanilla BAGONG dagdag ang maganda at mala-Dyosa na si Kim Domingo sa pamilya ng Salveowell …

Jayferson JJ Rivera Ahaja

Baguhang child star JJ Rivera Ahaja wish makatrabaho si Coco

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nagbabago si Jayferson “JJ” Rivera Ahaja sa pagsasabing si Coco Martin ang paborito niya …

SPEEd Eddys Best Actor Actress

Carlo, Dingdong, Joshua, Echo, JC, at Vice bakbakan sa 9th EDDYS Best Actor

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INIHAYAG na ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ang mga nominado para …