MATABIL
ni John Fontanilla
HINDI naibigan ng netizens ang biro ni Kim Chiu kay Eat Bulaga host, Ryzza Mae Dizon.
Sa isang segment ng It’s Showtime naganap ang palitan ng linya nina Kim at actor na si Brent Manalo.
Ani Brent, “Si Lotus Feet, nasa likod mo.” At nang dumating si Jugs Jugueta nakatalukbong ng puting tela at puting-puti ang mukha na animo’y multo at napasabi si Kim ng, “Ay! Bakit si Ryzza Mae?”
At ang nasabing biro ni Kim ay nag-viral at marami ang hindi nagkagusto sa tinurang ito ng aktres.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com