Monday , June 29 2026
Bryan Dy Vice Ganda White Party

White Party nakalikom ng P1-M para sa HIV advocacies

HARD TALK
ni Pilar Mateo

GAYA ng isang ibong nag–apoy, ang phoenix sa mga kwentong griyego, mula sa 12 taong pagkakahimbing, muling nagising ito at sumingasing.

Ang proyekto sa buwan ng pagdiriwang ng pride na pinasimulan ni Bryan Dy, ang White Party ay muling pumaimbulog na kinasabikan ng mga miyembro ng LGBTQIA+ at mga kaalyado.  

Binuksang muli ito ng Mentorque katuwang ang #LoveYourself at si Bang Pineda.

Saglit ko pa sanang tsitsikahin ang Mentorque honcho na si Bryan pero mas maganda raw ang mapakikinggan ko ang speech niya.

Napaka-state of the art ng pagprisinta sa kanya with strobes na mala AI ang pagdagundong sa buong World Trade Center.

Walang podium. Walang mic. Nandoon siya sa LED Wall. Tila nagmula sa isang galaxy far far away.

“Tonight…look around…different faces, different stories, different backgrounds…

“One heart. One family. It is not just a celebration. Love is still powerful… Pride is still necessary…

“When the music rises… remember this feeling…White party manila…More than one night… and this is our memory…”

And the music rose! As he introduced Ace Ramos. Such a feat!

Pride and advocacy. 

Nag-alay ng kanilang mga sining sa White Party sina Vice Ganda na talaga namang pasa-vogue sa kanyang kasuotan; Ben&Ben; Maki; Gloc-9; Marina Summers; Maxie and the SexBomb Girls, at ang pinaka-antabayanang Pink Mannequins (Drag queens) na idinirehe ni Ice Seguerra.

Dumalo rin sa nasabing  pagtitipon ang mga pinagpipitaganang alkalde ng Metro Manila, Joy Belmonte(QC), Francis Zamora (San Juan), Emi Calixto-Rubiano (Pasay), at Isko Moreno (Manila) na binigyang-pugay bilang Outstanding Allies of the LGBTQIA+ Community dahil sa kanilang “progressive local policies.” 

Na-achieve ng Mentorque ang inasam nito na makalikom ng P1-M para sa HIV advocacies. Si Vice Ganda ang nagprisinta nito sa #LoveYourself, Inc. Na magagamit sa mga ginagawang pagsusuri at mga programa sa pagpigil kundi man pagsawata rito.

Natuwa ang lahat ng mga nanood dahil eye candy ang mga nagrampahang palabas sa harap nila. May fashion show din ng collections ni Bang na inirampa

pa nina Mimiyuuuh at Janella Salvador.

Ginawaran ng Icons of the Year ang SexBomb.

At sumuporta rin sina Yayo Aguila, Martin del Rosario, Mark Bautista, at Representative of the 6th District ng Batangas na si Ryan Christian Recto.

Ngayong nakita na kung gaano kasabik ang mga tao sa ganitong pagdiriwang ng Pride Month, tiniyak na ni Bryan na taunan na itong magaganap.

May binabalikan. Inaalala.  Sabi nga ni Bryan, now our memory! 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Richard Quan Sigabo Coco Martin

Richard Quan, hindi tumanggap ng 2 pelikula para sa seryeng “Sigabo” ni Coco Martin

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAPAPANOOD na ngayon ang bagong seryeng “Sigabo” na pinagbibidahan ng tinaguriang …

Ashley Lopez Kainan

Donny type ipagluto ng sinigang ni Ashley Lopez  

MATABILni John Fontanilla VERY vocal ang VMX Star na si Ashley Lopez  sa pagsasabing gusto niyang pakainin …

Kim Domingo Arkie Rivera

Kim Domingo gumaling acid reflux ng natural wellness product

MATABILni John Fontanilla BAGONG dagdag ang maganda at mala-Dyosa na si Kim Domingo sa pamilya ng Salveowell …

Jayferson JJ Rivera Ahaja

Baguhang child star JJ Rivera Ahaja wish makatrabaho si Coco

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nagbabago si Jayferson “JJ” Rivera Ahaja sa pagsasabing si Coco Martin ang paborito niya …

SPEEd Eddys Best Actor Actress

Carlo, Dingdong, Joshua, Echo, JC, at Vice bakbakan sa 9th EDDYS Best Actor

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INIHAYAG na ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ang mga nominado para …