Monday , June 29 2026
Bris Hair

Kathryn metikoloso sa buhok; Bris Hair nina Mike at Lovely sagot sa buhaghag na buhok

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

METIKOLOSO sa buhok si Kathryn Bernardo kaya ito ang nagtulak kay Mike Feliciano, salon owner para magtayo ng negosyo, ang Bris Hair, isang luxury hair brush kasama si Lovely Martinez, asawa ng dating Star Circle Quest alumnus, Raphael “RJ” Martinez  

Isa si Kathryn sa mga inaayusan ni Mike na aniya, sa ganda ni Kathryn hindi na iyon mahirap lalo pang pagandahin.

Maganda na si Kathryn kaya kumbaga eh madali na lang siyang lagyan ng make up. Pero ‘yung buhok niya though maganda na rin, metikuloso siya. Kaya naman doon ako napaisip na why not mag-put-up ng own brand ng brush na de-kalidad pero very affordable ang price,” ani Mike nang makahuntahan namin ito sa launchin ng kanilang produkto ni Lovely, ang Bris Hair luxury hair brushes noong Sabado sa Old Times Bar sa Quezon City.

Ayon naman kay Lovely, last year pa nila sinimulan ang negosyo at talagang gumawa muna sila ng brand testing para matiyak na de-kalidad ang produktong ibebenta nila.

Bale last year, nagbenta na kami sa mga friend. Then pina-test namin sa kanila at talagang nagtanong-tanong kami kung kumusta. And lahat sila maganda ang feedback. Kaya ayun, nag-decide kaming simulan this year i-launch na talaga namin para mas marami pa ang makaalam ng product namin,” pahayag ng misis ni RJ. 

At dahil salon owner si Mike natanong namin ito sa mga artistang inaayusan o naayusan. At nabanggit nga niya sina Kathryn at Julia Montes.  

Aniya, isa sa na-observe niya sa inaayusan niya hindi lang sa mga artista na malaking bagay ang hair brush. Kahit nga raw si Kathryn very particular ito sa buhok kaysa make-up. 

Bakit nga naman hindi eh, may gandang natural si Kathryn  kaya kahit simpleng make-up okey na. Pero pagdating sa buhok, metikuloso si Kathryn.

Kaya roon na nakaisip si Mike na bakit hindi sila magtayo ng own brand ng hair brush  na de-kalidad pero very affordable ang price.

Isa kami sa mga naunang nabigyan ng Bris luxury brush at talaga namang nagustuhan namin ito agad. Gumaganda kasi ang buhaghag naming buhok. No need na i-blow-dry pa. 

May dalawang klase pa ang Bris Hair, ang Lissea Brush  (Finish and Shine)na good for dry hair at Classea Brush (Detangler) na good for wet hair.

Sabi nga nina Mike and Lovely, Brish Hair designed to smooth, refine, and bring out the effortless shine, every brush stroke feels like a fresh start. 

Kaya naman nagkasundo sila ng friend niyang si Lovely na magsosyo sa negosyo at du’n nga nila nabuo ang Bris na may two variants – for dry hair (Lissea) and wet hair (Classea, perfect for detangling).

Ilan sa mga naka-try na ng Bris hair brush ang mga kaibigan nilang sina Dianne Medina, Rodjun Cruz, Empress, at Melissa Ricks.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

DOST SOCCSKSARGEN Cotabato PSTO PNP CPPO

CPPO Explores Opportunities in Science and Technology Initiatives with DOST Cotabato

The Department of Science and Technology (DOST) SOCCSKSARGEN – Cotabato Provincial Science and Technology Office …

DOST Lanao del Norte PORTASOL Matungao Cacao Farmers

PORTASOL Technology Ensures Cleaner, Faster Drying for Matungao Cacao Farmers

Traditional open-sun drying leaves hardworking farmers at the mercy of unpredictable weather, leading to high …

DOST Ilocos Region DOST-PCIEERD RnD Proposal Development

‎DOST Ilocos Region, DOST-PCIEERD Strengthen Research Culture Through Capacity Building on R and D Proposal Development

‎To strengthen the research and development (R&D) capabilities of academic and research institutions in the …

Richard Quan Sigabo Coco Martin

Richard Quan, hindi tumanggap ng 2 pelikula para sa seryeng “Sigabo” ni Coco Martin

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAPAPANOOD na ngayon ang bagong seryeng “Sigabo” na pinagbibidahan ng tinaguriang …

Ashley Lopez Kainan

Donny type ipagluto ng sinigang ni Ashley Lopez  

MATABILni John Fontanilla VERY vocal ang VMX Star na si Ashley Lopez  sa pagsasabing gusto niyang pakainin …