I-FLEX
ni Jun Nardo
“FAME can blind you! Huwag kayo magbabago,“ payo ni Cristine Reyes sa walong finalists ng The Next Big Star nang humarap sa mediacon sa Botejyu, Estancia, Pasig City last Friday noon.
Isa si Cristine sa judges ng talent search ng Viva Films na napapanood sa Viva One streaming app.
Produkto ng Starstruck ng GMA Network si Cristine na kahit hindi grand winner eh naging tagumpay ang career sa TV at movies!
Isa sa judges si Cristine kasama ang directors na sina Mac Alejandre at Jason Paul Laxamana.
Ang walong finalists na magbabakbakan sa finale ay sina Miguel—ang Sweet Cheerful Boy Ng Davao City; Kurt—ang Gamer-tista Ng Rizal; Mish—ang Hobby Hoarder Ng Davao City; Lougee—ang Charming Tiktoker Ng Caloocan City; Jaycee—ang Popstar Ng Laguna; Calvin—ang Martial Artist Ng Paranaque; Mina—ang Rising Superstar Ng Muntinlupa; at Jamie– ang Shy Sweetheart Ng Bulacan.
Mula sa direksiyon ni Ryan Evangelista ang Viva’s The Next Big Star.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com