Friday , June 26 2026
San Jose National High School Tacloban Gun Shooting 2

Magulang, guardian posibleng managot sa Tacloban shooting

BINIGYANG-DIIN ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na posibleng managot ang mga magulang at guardian ng dalawang menor de edad na sangkot sa pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City na ikinasawi ng tatlong estudyante at ikinasugat ng halos 20 iba pa.

Ani Remulla, batay sa inisyal na imbestigasyon, matagal nakaranas ng pambu-bully ang dalawang suspek, na maaaring isa sa mga naging ugat ng karahasan.

“Ang lumalabas sa initial feedback ay bullying gone wrong. Binu-bully umano ang dalawang estudyante at kalaunan ay naimpluwensiyahan ng mga video game. Tinitingnan namin ngayon ang posibleng pananagutan ng tiyahin at mga magulang dahil nagkaroon ng access sa baril ang mga menor de edad,” ani Remulla.

Sinabi ng kalihim na dapat din managot ang may-ari ng baril na ginamit sa pamamaril kung mapapatunayang nagkaroon ng kapabayaan sa pag-iingat nito, na nagbigay-daan upang magamit sa krimen.

Pahayag ni Remulla, pinag-aaralan ng mga awtoridad kung may sapat na batayan upang sampahan ng kasong kriminal ang mga magulang o guardian ng mga suspek.

Nauna nang sinampahan ng kasong 3 bilang ng murder, 3 frustrated murder, at multiple serious physical injuries sa piskalya sa Tacloban ang 15-anyos suspek.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

CAFGU

Opisyal na pahayag ng hukbong katihan ng Pilipinas sa papel ng CAFGU

​NILINAW sa publiko at stakeholders ng Philippine Army (PA) na gamitin ang wasto o tamang …

QCPD Oplan Bisita Eskwela

QCPD Oplan Bisita Eskwela, pinalawig pa para sa kaligtasan ng mga mag-aaral

PINALAWIG pa ng Quezon City Police District (QCPD) ang ipinaiiral nitong programang “Oplan Bisita Eskuwela” …

san juan city

Wattah Wattah Festival 2026 matagumpay na naipagdiwang

MASAYA at walang aberya ang naganap na kapistahan ng San Juan City local government unit …

human trafficking

Human trafficking vs ex-congressman ihahain ng NBI

HANDA na ang National Bureau of Investigation (NBI) para sampahan ng kasong human trafficking ng …

Rene Baterbonia

Rene Baterbonia inihimlay sa kanyang lupang tinubuan

INIHIMLAY sa kanyang huling hantungan si Ateneo varsity player Rene Clert “Bobet” Baterbonia sa isang …