MATABIL
ni John Fontanilla
HINDI problema para kay Albie Casino na gumawa ng pelikula sa VMX, na isa ito sa leading man sa Hibla 2 kasama sina Aliyah Raymundo, Margaret Diaz, at Ghion Espino sa direksiyon ni Topel Lee at mapapanood na sa June 30 sa VMX.
Tsika ni Albie sa presscon ng Hibla 2 na ginanap sa Viva Cafe sa Araneta City, Cubao QC, “Wala eh, mahal ang mga gastusin ‘di ba, and it’s work. So I’m not someone who turn down work.
“And I’ve been doing this for more than 15 years na. So, it’s really a job for me, at this point eh.
“And I’m looking at it as a paycheck, but as the same time talaga it’s a project.
“And at this point in my life, this is how I earned money, so I can’t turn down projects.”
Ginagampanan ni Albie sa Hibla 2 ang role na ginampanan noon ng yumaong aktor/director na Ricky Davao, ang Hibla 1 noong 2002.
Nagulat at nalungkot nga si Albie nang malaman na pumanaw na si Ricky na during the presscon niya lang nalaman, dahil nakatrabaho niya ito sa ilang proyekto at napakabait at masarap katrabaho anito.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com