Thursday , June 25 2026

Mga nominado sa 9TH EDDYS ng SPEEd iaanunsiyo

IHAHAYAG ngayong araw, Hunyo 25, 2026 ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ang mga nominado ngayong taon sa isang espesyal na pagtatanghal sa Cedar Function Room ng Luxent Hotel sa Quezon City.

Magsisimula ang pag-aanunsiyo ng mga nominado, 2:00 p.m. na mapapanood ng live sa PlayTime Entertainment YouTube channel, na magbibigay-daan sa mga tagahanga ng pelikula at mga tagasubaybay ng industriya sa buong bansa na masaksihan ang mga napiling maglalaban-laban para sa mga pangunahing parangal na kumikilala sa kahusayan sa paggawa ng pelikulang Filipino.

Ang SPEEd member na si Jun Lalin ng Abante ang host ng programa at magpakilala sa iba pang entertainment editors’, sa pangunguna ng pangulo na si Tessa Mauricio-Arriola ng The Manila Times, na mag-aanunsiyo ng mga nominado mula sa 14 na kategorya.

Makakasama sa Nominees Reveal ang mga bida ng thriller film na Mantsa na sina Shira Tweg at Khai Flores para ianunsiyo ang mga nominado sa apat na major awards: Best Actor, Best Actress, Best Director, at Best Picture. Maghahandog ng awitin si Isha Ponti sa mga manonood sa live streaming.

Ang nominees reveal ay isa sa mga pinaka-aabangang bahagi ng The Eddys dahil ito ay paunang pagbibigay-halaga sa mga pelikula, mga artista at mga malikhaing talento na tumulong sa paghubog ng sinehan sa Pilipinas noong nakaraang taon,” sabi ni Mauricio-Arriola. “Inaasahan naming ipagdiriwang ang kanilang mga tagumpay at ibahagi ang kapana-panabik na sandaling ito sa mga tagahanga ng pelikula sa lahat ng dako.”

Ang PlayTime Entertainment ang katuwang ng SPEEd para mas maging malawak ang maaabot na audience. Sila ang mag-i-stream nang live sa programa sa kanilang YouTube channel. 

Ang PlayTime Entertainment ay isang multi-platform entertainment company na nakikibahagi sa paggawa ng content, pagbuo ng talento, mga live na karanasan, at mga inisyatiba sa pakikipag-ugnayan ng madla na sumusuporta at nagdiriwang ng talentong Filipino.

Pangungunahan nina Concert Queen Pops Fernandez at TV host-broadcaster Kim Atienza, ang star-studded ceremony ng 9th EDDYs na magbibigay-parangal sa pinakamagagandang tagumpay ng Philippine cinema sa nakalipas na taon habang pinagsasama-sama ang ilan sa mga pinakamalalaking bituin, filmmakers, at creative talents ng industriya.

Taon-taong inoorganisa ng SPEEd, ang The Eddys ay nananatiling isa sa mga pinaka-respetadong award-giving bodies sa bansa na nakatuon sa pagkilala sa kahusayan sa paggawa ng pelikulang Filipino.

Ang 9th Entertainment Editors’ Choice ay nabuo mula sa suporta ng Newport World Resorts, PlayTime Entertainment, at Echo Jham Productions; kasama ang Gold Sponsors—Globe Telecom at Unilab Inc.; Silver Sponsors—SoundCheck Inc. at Puregold CinePanalo Film Festival; habang major sponsors ang Luxent Hotel, Beautéderm Corporation, at La Playa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Coco Martin Julia Montes Sigabo

Sigabo ni Coco pang-internasyonal, Unang episode nakakuha 404,124 peak concurrent viewers

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IBA talaga kapag Coco Martin ang nagbida sa isang action series samahan mo …

Bam Aquino BINI

Bam Aquino sinamahan anak na si Rory at mga kaibigan sa BINI concert

IPINAGDIWANG ni Senador Bam Aquino ang Father’s Day kasama ang kanyang anak na si Rory at mga kaibigan nito …

17th PMPC Star Awards for Music

Walong personalidad tatanggap ng award sa 17TH PMPC Star Awards for Music

MATABILni John Fontanilla WALONG personalidad mula sa iba’t ibang larangan ang gagawaran ng special awards …

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …