MATABIL
ni John Fontanilla
MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo niyang asawa.
Post ni Sheena sa kanyang Facebook, “My heart wasn’t expecting to grow this much.”
Ipinagbubuntis ngayon ng aktres ang kanilang ikatlong anak ni Jeron.
Tulad ni Sheena, excited na rin sa pagdating ng third baby nila ang kanyang asawa dahil magkakaroon ng bagong kapatid kanilang mga anak na sina Martina at Jio.
Isinilang ni Sheena ang kanyang panganay na anak na si Martina noong December 12, 2020, at ang pangalawang anak namang si Jio aynoong August 9, 2024.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com