Tuesday , June 23 2026
Bayani Agbayani John Lloyd Cruz Ellen Adarna Rufa Mae Quinto

John Lloyd at Ellen bibida sa isang sitcom sa GMA

MA at PA
ni Rommel Placente

IBINALITA ni Bayani Agbayani sa isang interview, na may gagawin siyang sitcom na pagbibidahan ng  ex-celebrity couple na sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna. Makakasama rin nila si Rufa Mae Quinto.

Kuwento pa ni Bayani, mapapanood ang sitcom sa GMA 7 pero wala pa siyang idea kung kailan magsisimula ang taping. 

Aniya, uunahin muna ng Kapuso Network ang isa pa nilang sitcom.

Kasi pala, ang patakaran ngayon, ipinalalabas muna sa streaming platform, sa Prime Video o sa Netflix, bago ilagay sa TV,” sabi ni Bayani sa nasabing panayam.

Kahit ‘yung mga soap, eh. Ilalabas muna roon. Siguro, mas may kita. Pampadagdag doon sa ipo-produce,” aniya pa.

Ipinagmamalaki pa ni Bayani na si John Lloyd  mismo ang pumili sa kanya para mapasama sa sitcom. Ito kasi ang line-producer.

Matagal ko nang kaibigan si Lloydie. Nagkasama kami sa TFC, sa abroad. Nag-guest ako dati sa kanila sa ‘Home Sweetie Home.’

“Tapos kami na ‘yung naging mainstay, ‘di ba? Kami nina Vhong Navarro, Toni (Gonzaga), Alex (Gonzaga),” saad pa ng veteran comedian.

Alam mo, nakatutuwa, ang sabi sa akin niyong producer at saka niyong writer, maraming-maraming salamat, Lloydie, kasi talagang napakabait niyong tao.

“Sabi niya, ‘Hindi ko ito gagawin kung wala si Bayani at si Rufa Mae Quinto.’ Kaya sabi ko sa kanya, ‘Sige, sasamahan kita. Tutulungan kita. Tulong-tulong tayo!’” lahad pa niya.

Nag-line produce at nagbida na rin si John Lloyd sa sitcom ng GMA 7 na Happy ToGether, na ipinalabas noong December, 2021.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Nick Vera Perez

Nick Vera Perez nakisaya sa ika-128 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa Chicago

NAKIBAHAGI ang kilalang Filipino-American community figure na si Nick Vera Perez (NVP) sa engrandeng pagdiriwang ng ika-128 …

Jose Manalo

Jose kayang-kayang magsolo, klick din sa foreigner

I-FLEXni Jun Nardo KINAYA ng komedyanteng si Jose Manalo na aliwin ang crowd na dumagsa sa Turning …

Ian de Leon Lotlot de Leon

Bangayan nina Lotlot at Ian tumitindi

I-FLEXni Jun Nardo SINASABI pa lang ang role ni Lotlot de Leon sa story conference ng gagawing …

Anne Curtis

Anne Curtis sa 29 taon sa showbiz: mas relax at kampante

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MARAMING ipinagpapasalamat si Anne Curtis sa kanyang 29 taon sa industriya. Simula kasi …

Nustar Online IRUNPH South Run All Out, All Proud

Nustar Online sinuportahan mga lokal na magsasaka at IRUNPH South Run: All Out, All Proud

ISANG matagumpay  at makabuluhang milestone para sa Nustar Online ang pagsali sa IRUNPH South Run: All Out, All Proud bilang …