OPISYAL na bubuksan ngayong Linggo, June 21 ang Season 3 ng Philippine Schools Athletic Association (PSAA) sa Makati Coliseum, Makati City.
12 koponan mula sa Under 18, 11 koponan sa Under 16 at anim na koponan sa Under 14 ang binubuo ng lineup para sa Season 3 na inaasahang magpapasiklab ng aksyon para sa mga future stars ng Philippine basketball.
Sa panguuna nina President at Founder Fernando Arimando kasama ang commissioner at veteran sportscaster Bill Velasco, layunin ng nasabing liga upang mabigyan ng exposure sa high-level competition ang mga iba’t ibang schools na karamiha’y ay hindi miyembro ng mga major collegiate leagues sa bansa.
“Sa PSAA, hindi kami magkakompetisya ng ibang liga at eyeopener ito sa ibang coaches kasi naka-live din ito at meron tayong Under 14, Under 16, at Under 18, exposure sa kanila at sa mga schools kasali nito kasi meron din silang mother league so magiging pre-season ito para sa kanila.”, sinabi ni Arimando sa lingguhang Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) Usapang Sports Forum sa Philippine Sports Commission Media Room.
Dagdag ni Arimado, mas lalo pang naghahanda ang teams pagdating sa papasok na season upang ma-expose ang competitive side at mas lalong manaig ang camaraderie at chemistry sa loob ng hardcourt.
“Every game nakikita na malakas ang bawat teams, prepared talaga sila sa lahat ng bawat laban. Someday ang PSAA, ilalakas at ilalaki rin at lahat ng team makasama pa rin.”, sinabi ni Arimado.
Para sa ilang coaches, nais nila na doblehin ang effort at teamwork upang ilabas ang kanilang galing nila sa papalapit na season.
“We prepared for the last two months kasi may 16 under division sa NCAA. Meron kaming mga grassroots program. Malaking bagay sa amin ang ligang ito kung sino ang pwedeng umangat sa 16-under.”, sinabi ni Coach Jesse Mapanao ng Arellano University.
“Sa team namin, in terms of preparation, ngayon pa lang nagsisimula kasi kakatapos lang ang major leagues namin. Sa practice, magiistart pa rin kami ang sistema natin since last season. Gagamitin ito para prepare ang mga players sa collegiate level.”, dagdag ni Coach Ryan Dalosa ng De La Salle Dasmarinas University.
Nakasama rin sina Coach Christopher dela Cruz ng DLSU-D, Coach Joshua Tan ng San Felipe Neri Catholic School, Coach Ryan de Ramos ng San Sebastian College Recolectos at Arvin Faustino ng Chiang Kai Shek College sa forum na sinuportahan ng Philippine Sports Commission, Pocari Sweat at Behrouz Persian Cusine.
Malaki rin ang maibibgay ng oportunidad ng PSAA dahil bukod sa basketball, ipapakilala din ngayong season ang Volleyball pati na ang Game of the Generals na isang Pinoy-made esports game na isinusulong ng ESports World Federation.
“Ang involvement ng ESWF sa PSAA, meron kaming esports sa Season 3 at maiintroduce natin ang esports game na gawang Pinoy na Game of the Generals na board game at naging digital ito in cooperation with Department of Science of Technology at ipapalaro ito this Season 3.”, wika ni Arniel Guttierez, ESWF President.
Mabibigyan rin ng oportunidad ang magkakampeon sa basketball tournament para sa foreign training camp sa New Zealand.
Mapapanood ang mga laro ng PSAA sa Facebook at YouTube channel ng liga maging sa Pinoy Extreme Cable channel. (TOPS/HNT)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com