Thursday , June 18 2026
North Genesis Bus

24  North Genesis bus pinatawan ng suspensiyon sa Baguio City road crash

PINATAWAN ng suspensiyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang operasyon ng 24 bus ng North Genesis Bus Line, Inc. dahil sa naganap na aksidente sa Marcos Highway, Baguio City na ikinasawi ng konduktor at ikinasugat ng anim na pasahero nitong Martes, 16 Hunyo 2026.

Ayon kay LTFRB Chairman Atty. Vigor D. Mendoza II, ang 30-araw na suspensiyon ay bunsod ng direktiba ni Department of Transportation Secretary Giovanni “Banoy” Z. Lopez habang iniimbestigahan kung may mga regulasyong nilabag ang kompanya sa kanilang Certificate of Public Convenience.

“We commit to an impartial and no-nonsense investigation not only because it is our mandate but because it is the life and limb of commuters that are stake when it comes to public transportation,”   pahayag ni Chairman Vigor.

Sa imbestigasyon ng pulisya, naganao ang insidente nitong madaling-araw ng Martes, 16 Hunyo, sa Kilometer 6, Marcos Highway.

Patungong Baguio City ang bus nang mabangga nito ang isang nakaparadang trak  sa gilid ng kalsada. Naipit sa loob ng sasakyan ang konduktor na naging sanhi ng kanyang pagkamatay, habang dinala sa pagamutan  ang anim na sugatang pasahero.

Bukod sa suspensiyon ng 24 bus, nagpalabas din ng show cause order ang LTFRB na nag-aatas sa kompanya na isuko ang mga plaka ng 24 suspendidong bus upang matiyak na hindi makabiyahe, isailalim sa drug test ang lahat ng kanilang drayber; at isailalim sa road worthiness inspection ang mga natitirang yunit.

Inatasan din ng LTFRB ang bus company na magsumite ng notarized na paliwanag kung bakit hindi sila dapat parusahan sa pagkuha ng iresponsableng drayber.

Ipinag-utos ng agensiya, na dapat mapabilis ang pagbabayad ng insurance sa pamilya ng nasawi at sa mga nasugatan.

Paalala ni Vigor sa mga operator at drayber ng pampublikong sasakyan na suklian ng ligtas na paglalakbay ang tiwalang ibinibigay sa kanila ng mga pasahero. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

DOST 10 Lanao del Norte Complete STI

2nd District Municipalities of Lanao del Norte Complete STI Planning Workshop, Paving the Way for Smart and Sustainable Communities

The Science, Technology, and Innovation (STI) Planning Workshop for the 2nd District Municipalities of Lanao …

DOST Ilocos Region Open Gov Week 2026

DOST Ilocos Region Recognized as Valued Partner in Advancing Open Governance

The Department of Science and Technology Ilocos Region (DOST Ilocos Region) led by Regional Director …

Bulacan, DILG unveil SGLG-funded slope protection in CSJDM

Bulacan, DILG unveil SGLG-funded slope protection in CSJDM

CITY OF MALOLOS – The Provincial Government of Bulacan (PGB), in partnership with the Department …

Volleyball Nations League VNL

Women’s Volleyball Nations League (VNL) Philippine leg
Mga Volleyball Powerhouse Maghaharap sa Philsports Arena

ISANG matinding hanay ng mga kampeon at medalists ang magtatagisan sa Philippine leg ng Women’s …

PSC Pato Gregorio ICTSI Athletics Championships

Gregorio, pinuri ang matagumpay na ICTSI Athletics Championships; suportado ang Korea-PATAFA partnership

NEW CLARK CITY — Tinapos ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Patrick Gregorio ang ICTSI …