Thursday , June 18 2026
Ryzza Mae Dizon Bimby Aquino

Ryzza Mae at Bimby swak na loveteam, Dabarkads kinilig, nagkagulo

MATABIL
ni John Fontanilla

MARAMI ang kinilig sa muling pagkikita ng magkaibigan, magkalaro, at nagkasama sa pelikula na sina Ryzza Mae Dizon at Bimby Aquino.

Naging espesyal na panauhin si Bimby sa isang segment ng Eat Bulaga, ang The Age is Right  sa mismong selebrasyon ng kaarawan ni Ryzza sa Eat Bulaga.

Grabe ang hiyawan at kilig na naramdaman ng mga tao sa studio maging ang mga taong nanonood sa kani-kanilang bahay, habang kinakanta ni Bimby ang Maybe This Time at ipinakikita si Ryzza na pangiti-ngiti.

At nang interbyuhin na nila si Bimby ay sabay inalala nina Ryzza at bunsong anak ni Kris Aquino ang hindi nila malilimutang karanasan habang ginagawa ang pelikulang pinagsamahan, ang 2013 MMFFmovie na My Little Bossings.

Mas maraming kinilig at umingay ang loob ng studio nang kantahin nila ulit ang Pusong Bato na paborito nilang kinakanta noon.

Isang necklace naman ang regalo ni bimby kay Ryzza na ito mismo ang nagsuot.

Ayon nga sa mga netizen, bagay na bagay na magka-loveteam ang dalawa. Kaya hiling ng mga netizen na pagsamahin sina Ryzza at Bimby sa Eat Bulaga.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Charo Cordial Kris Lawrence Katrina Halili Katie

Kris sinagot balikan nila ni Katrina 

NAGIGING palagay ang loob ng bawat celebrity na naitatampok ng Maddox Jewelry owner na si Charo …

Atasha Muhlach Annie Batungbacal

Atasha Muhlach magbibida sa Bongga Ka ‘Day Musical 

I-FLEXni Jun Nardo DESMAYADO ang fans ng isang singer-actress dahil hindi ang idolo nila ng nakuhang female …

ABCVIP Alliance

ABCVIP Alliance naghatid ng mahigit ₱1.5-M tulong sa mahigit 3,000 lindol victims sa Sarangani

MAHIGIT ₱1.5 milyong halaga ng relief assistance ang naipamahagi ng ABCVIP Alliance, katuwang ang mga online …

Jenn Rosa

Jenn Rosa itinodo ang pagbabalik 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAGAL-TAGAL ding nawala sa limelight ang VMX hottie na si Jenn Rosa. At ngayong nagbabalik, …

Alfred Vargas Yasmine Vargas Cristiano

Anak nina Alfred at Yasmine na si Cristiano balik-swimming

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MASAYANG ibinahagi ng mag-asawang Alfred at Yasmine Vargas na nakabalik na sa swimming ang kanilang …