Monday , June 15 2026
Khai Flores Mantsa

Khai Flores seryoso sa kanyang acting career, tampok sa pelikulang “Mantsa”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

INILARAWAN ni Khai Flores na kakaiba ang pelikula nilang “Mantsa” na nakatakdang ipalabas sa mga sinehan very soon.

Ayon sa guwapitong aktor, “Ang Mantsa po is tungkol po siya sa family, friends, at mental health issue. Ito po ay thriller movie, kakaiba po ito actually, lalo na po sa mga ipinapalabas na movies ngayon. Kasi po maraming plot twist, kaya dapat abangan po ito sa cinema.

“Ako po rito si Rafael, ang apo po ni Ms. Pilar Pilapil. Ako po ay may mental health issue rito.”

Maganda ang cast ng movie na mula sa batikang director na si Louie Ignacio. Bukod kina Khai at Ms. Pilapil, tampok sa Mantsa sina Gelli de Belen, Janice de Belen, Shira Tweg, Snooky Serna, Lloyd Samartino, Dino Guevarra, LA Santos, Bo Bautista, Ghia Garcia, Mill Marzo, RJ Ariar, Rain Barreto, Miles Poblete, at iba pa.

Mainly, umiikot ang istorya nito kina Ms. Pilar, Gelli, Shira and Khai.

Anyway, ito na ang pang-apat na pelikula ni Khai, una ay ang “Mga Kaibigan Ni Mama Susan”, “Huling Hibla”, at “Sugat Sa Dugo”.

Si Khai ay 23 years old at nasa pangangalaga ng Dragons Talent Management Production nina Bambbi Fuentes at Tine Areola.

Nabanggit din niya kung gaano siya kaseryoso bilang aktor.

Esplika ni Khai, “Bata pa lang po ako ay humaharap na ako sa salamin para umiyak, sigawan ang sarili ko… Akala ko that time ay may problem ako sa utak ko, hehehe.

“Then noong high school na po, sumasali po ako sa clubs. Ang club ko po noon is theater and four years straight po akong Best Actor that time. Then that time, parang sabi ko sa sarili ko na gusto kong ipagpatuloy iyon.

“Masaya ako kapag ginagawa ko ang pag-arte, nailalabas ko ang gusto kong ilabas. Sa pag-arte ko na lang inilalabas ang gusto kong ilabas at ‘yung pagod na iyon is masaya iyon. Iyon ‘yung hinahanap kong pagod palagi.

“Kaya hanggang ngayon, hindi pa rin ako sumusuko sa passion ko kahit maraming beses na dapat akong umalis dito sa industry na ito.”

Ang pelikulang Mantsa ay hatid ng Dragon Talent Management ng mga producer na sina Bambbi Fuentes at Tine Areola. Co-producer sa movie si Mr. Ric Valenzuela.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Itanong Natin Kay Dok Larry Dr Lawrence Nubla Sembrano

Health advocacy show na “Itanong Natin Kay Dok Larry,” kaabang-abang

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGSISIMULA na ngayong June 13 ang health advocacy show na “Itanong Natin Kay Dok …

Phoebe Walker Rico Robles

Phoebe at Rico ikinasal sa Boracay 

MATABILni John Fontanilla IKINASAL na sina Phoebe Walker at Rico Robles noong June 7, 2026 …

Alden Richards

Alden outlet for mental health ang pagbibisikleta

MATABILni John Fontanilla NAKASANAYAN na at naging parte na ng routine ni Alden Richards ang pagbibisikleta. Ito …

Metropop winners Stars Reignited

Tickets sa concert ng Metropop winners mabenta

MATABILni John Fontanilla MALAPIT nang ma-sold-out ang tickets sa muling pagsasama-sama sa isang konsiyerto ng …

Gary V  Rene Baterbonia Divine Adili

Gary Valenciano nakiramay sa 2 Ateneo athletes

MATABILni John Fontanilla ISA si Gary Valenciano sa nagluluksa sa pagkamatay ng dalawang Ateneo de Manila University …