Tuesday , June 9 2026
P7-M smuggled carrot noodles DA BOC

P7-M smuggled carrot sa noodles, nasamsam ng DA at BOC

HINDI nakalusot sa Department of Agriculture (DA) at Bureau of Customs (BoC) ang tangkang pagpuslit ng P7 milyong halaga ng smuggled carrots na idineklarang processed food sa Port of Manila.

Nabuko ang mga kargamento bunga ng joint inspection ng DA Inspectorate and Enforcement Office (DA-IE), Bureau of Plant Industry (BPI), at BoC.

Sa ulat, ang 12,909 kahon ng sariwang karot ay nakatago sa likod ng mga karton ng egg noodles sa loob ng apat na container shipment na dumating noong 22 Marso at 25 Marso 026 sa ilalim ng isang consignee.

Idineklara ang mga kargamento bilang egg noodles, flat noodles, soya wrappers, fish tofu, at wakame salad.

                Ang operasyon ay pinangunahan ni DA Assistant Secretary for Inspectorate, Enforcement and Legal Service Willie Ann Angsiy, kasama si BPI Assistant Director Ruel Gesmundo at mga opisyal ng Customs.

Ang mga karot ay nabubulok na at hindi na ligtas kainin. Kasunod nito, nagbabala ang DA na ang mga ipinuslit na gulay ay maaaring magdulot ng matinding pinsala sa mga lokal na prodyuser sa pamamagitan ng pagpapababa ng presyo sa merkado at paglikha ng hindi patas na kompetisyon.

“Kung lumabas ito sa market, mas maibebenta nila nang mas mura, at ibig sabihin ay mapapatay nila ang negosyo ng ating lokal na magsasaka o posibleng hindi na makabenta ang ating mga magsasaka dahil mas mura itong smuggled. Hindi makapagko-compete ang mga magsasaka natin kasi una, wala silang binabayarang duties,” ayon kay Angsiy. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

MTRCB

MTRCB nakatanggap ng ika-pitong magkasunod na Unmodified Opinion mula COA

HARD TALKni Pilar Mateo MULING kinilala ng Commission on Audit (COA) ang mahusay na pamamahalang pampinansiyal ng Movie …

Northern Police District, NPD

1,279 pulis ng NPD kasado na sa pagbubukas ng klase

KASADO na ang pulisya ng Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela (CaMaNaVa) na nasasakupan ng Northern …

Arrest Posas Handcuff

Lolo huli sa rape

ARESTADO ang 61-anyos lolo na wanted sa kaso ng panggagahasa sa isang menor de edad …

DepEd Students

DepEd: 26 milyong estudyante, balik-eskuwela ngayon

NASA 26 milyong mag-aaral ang inaasahang magbabalik-eskuwela ngayong Lunes, 8 Hunyo, para sa School Year …

Pinoy Bugsy Ceferino Perry Mariano

Suspects, anim lahat
UTAK, GUNMAN NA PUMASLANG SA PINOY BUGSY TUKOY NA NG QCPD

ni ALMAR DANGUILAN TINIYAK ng Quezon City Police District (QCPD) na hawak na ng pulisya …