Tuesday , June 9 2026
Linda Walker Arrived Philippines

Linda Walker pinagkaguluhan, na-hold sa airport

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

IBINALIK sa loob at hindi agad pinalabas ang 22-taong gulang na Chinese actress na si Zhang Yingfeina gumaganap bilang Linda Walker sa viral micro-drama na The Heiress Who Won with Brains noong dumating ito ng Pilipinas, Sabado ng 11:30 p.m. sa NAIA Terminal 3.

Bago ito’y maayos na inilalatag ng fans na nagtungo ng airport ang napakalaking banner ni Linda Walker at matyagang naghintay malapit sa VIP parking area.

Pagkaraan ng ilang minuto inihayag na sa arrival mismo ng airport ang daan ng Chinese actress kaya naman mabilis na tumalilis ang mga media na nagco-cover ng pagdating ni Linda gayundin ang fans. 

Sa paghihintay hindi naiwasan ang gitgitan, tulakan hanggang sa may nag-announce na nakalabas na ang Chinese actress at dumaan sa Bay 4 kaya naman napasugod ang lahat palabas. Subalit false alarm din pala at nasa loob pa ang aktres.

Kaya naman nagpasukan muli ang mga naghihintay kay Yingfei at may nagsabing nasa immigration pa ito.

Rito na namin napansin ang pagdating ng maraming airport marshal at naghigpit na sa mga naghihintay kay Linda Walker. Lumabas sa normal na dinadaanan ng mga dumarating sa airport  si Linda subalit pinabalik dahil sa gitginan at hindi na magkamayaw na sumalubong dito.

Muling nabago ang dapat sana’y lalabasan ni Linda dahil inakay nila ito patungong VIP parking area. Roon hindi agad inilabas ang aktres, na-hold ng ilang minuto at ang sana’y pictorial at ambush interview ay hindi na nangyari dahil talagang pinalibutan na ito ng airport marshal at dire-diretsong inilabas patungong VIP parking at isinakay na sa van na naghihintay.

Bagamat hindi nagkaroon ng pagkakataong makausap ng media si Yingfei, kapansin-pansin naman ang pagiging magiliw nito at madalas na pagkaway. 

Pinangunahan ng mga opisyal at kasapi ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) ang pagsalubong kay Linda Walker. Ang samahan ng mga Filipino Chinese businessmen ang namahala sa pag-iimbita sa kanya sa bansa na naka-focus sa cultural exchange at educational outreach.

Kabilang sa mga itinerary ni Linda Walker ang pagbisita sa makasaysayang lugar tulad ng Intramuros at Binondo na naroon ang isa sa pinakamatandang Chinatown sa buong mundo. Nag-courtesy call din siya sa opisina ni Manila Mayor Isko Moreno para sa isang pag-uusap tungkol sa pangkulturang kooperasyon at turismo.

Isang major highlight sa pagbisita rito ng Chinese actress ang pakikiisa niya kina Education Secretary Juan Edgardo “Sonny” Angara, Quezon City Mayor Joy Belmonte, at sa mgaFFCCCII leaders para sa isang educational outreach program sa Quezon City High School. Sa naturang event, makatatanggap ang mga estudyante ng mga school supplies at mga pang-araw-araw na pangangailangan sa pag-aaral. 

Magbibigay din ng inspirational speech si Zhang para makahikayat sa mga kabataan na magtiyaga sa pag-aaral upang marating ang kanilang mga pangarap.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Angela Morena Triple Threat

Angela Morena mag-VMX pa rin kahit naging best actress na

MATABILni John Fontanilla MULING bibida sa pinakabagong VMX movie ang hottest trio, ang magkakapatid na sina Micaella Raz, …

Lea Salonga Peabo Bryson

Lea apektado sa pagkamatay ni Peabo Bryson

MATABILni John Fontanilla SOBRANG nalungkot si  Lea Salonga sa pagkamatay ng iconoc singer at Grammy Award winning …

Christy Imperial Apphle Celso Meg Imperial Ashtine Olviga

Apphle Celso proud kay Ashtine; Christy nahigitan pagpapa-sexy ni Meg

NATATAWANG ibinahagi ni Christy Imperial na hindi akalain ng pinsan niyang si Meg na malilinya siya sa pagpapa-sexy sa …

Kaye Abad Cancer Survivors Month

Kaye ipina-tattoo pink ribbon para sa Cancer Survivors Month

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “FOR quiet battles and victories of a cancer survivor.” Caption ng tattoo …

Apphle Celso Christy Imperial

Marian at Dakota Johnson inspirasyon ni Apphle para mahalin ang sarili

MATABILni John Fontanilla IDOLO ng VMX actress na si Apphle Celso sina Marian Rivera at Hollywood actress Dakota Johnson. Ayon kay Apphle …