I-FLEX
ni Jun Nardo
ENGRANDENG salubong kay Linda Walker o ang actress na si Zhang Yingfei ang handog ng media, vloggers, at kabataan sa pagdating niya kagabi, June 7 sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport.
Puno ang schedule ni Linda sa susunod na araw dahil mayroon siyang Meet and Greet sa June 10 sa 4th Level ng SM North Edsa.
Ang susunod na activity ay ang pagbisita sa ilang public schools sa Manila at Quezon City na bahagi ng legacy niya sa edukasyon.
Ang FFCCCII o Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce & Industry Inc, ang nagdala kay Linda sa bansa.
Nakapag-donate na rin ng 6,500 na school buildings ang FFCCCII nationwide.
Welcome to the Philippines, Linda Walker!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com