Monday , June 8 2026
Apphle Celso Christy Imperial

Marian at Dakota Johnson inspirasyon ni Apphle para mahalin ang sarili

MATABIL
ni John Fontanilla

IDOLO ng VMX actress na si Apphle Celso sina Marian Rivera at Hollywood actress Dakota Johnson.

Ayon kay Apphle sa grand mediacon ng VMX movie nila ni Christy Imperial na Kiskisan/Dibdiban na mapapanood sa June 16 sa VMX. “Dito sa Pilipinas si Marian Rivera, sa international si Dakota Johnson, crush na crush ko siya, like obsessed. Like I’m so obsessed kung paano siya maging confident sa katawan niya.”

Dagdag pa nito, “Parang sa kanya ko rin natutunan e-embrace ‘yung katawan ko.

“Kasi before hindi ko naman super love na love ‘yung sarili ko, ‘yung physical appearance ko.

“But her, I like the way she acts, I love how sexy she is, na para bang natural lang lahat sa kanya.

“Na parang ‘yun na siya, sexy na siya at is, nagising siya na ganoon na siya.

“Si Marian Rivera, pagdating din sa pag-arte, pagdating sa pakikitungo sa tao, sa pagiging totoo.

Kasi parang naka-relate ako sa kanya, totoong tao ako, hindi nagpi-filter.

“Siguro iisipin ko na, hindi totally filter, iingatan ko lang na hindi ka masaktan.

“Pero if it is the truth and will help me to be better, sasabihin ko siya ng diretsahan.”

Very honest naman ito sa pagsasabing ‘di niya dream ang magpasexy at gumawa ng sexy movies. Ginagawa lang niya itong stepping stone para mas makilala at mabigyan ng wholesome projects at makapasok sa mainstream soon.

I will be brutally honest this is not my dream, pero this is a stepping stone.

“Gusto ko talaga mainstream, kasi I came from doing some wholesome projects eh, TV, commercial hindi ka puwede magpa-sexy. Hindi puwedeng bulgar ka as a person, kailangan wholesome ang ipinakikita mo.

“Pero pumasok ako rito, kasi parang ilang beses na itong ino-offer sa akin.

And I believe na if para talaga sa ‘yo, no matter how hard you run away with it , ichi-chase at ichi-chase ka niyon kasi para sa ‘yo ‘yun.

” At if hindi siya para sa ‘yo, no matter how hard you chase it, hindi mo siya makukuha.

“Nandito ako for a reason, gusto kong mapunta sa main stream.

“Pero as of now, sa kung ano mang project ‘yung ibinibigay sa akin ng Viva, which is VMX movie, I will continue doing it hindi ako tatanggi.

“Pero ‘pag dumating ‘yung pagkakataon na mabigyan ako ng wholesome project, andiyan na magme-mainstream na ako, of course I will say yes.”

Ayon pa kina Apphle at Christy super daring at sexy ng kanilang pelikula at tomodo sila rito para ‘di mabitin ang mga manonood.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Xia Vigor Miracle in Cell No 7

Xia Vigor, wish makagawa ng MMFF project na tulad ng “Miracle in Cell No. 7” 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO ang talented na young actress na si Xia Vigor na marami …

JJ Rivera Ahaja Glaiza de Castro

JJ Rivera Ahaja sinubok galing sa pag-arte

CHALLENGING ang unang pagsabak ni JJ Rivera Ahaja sa drama ng mainstream TV. Isang special child ang …

SPEEd La Casa Maranan

SPEEd humataw sa La Casa Maranan Malaking proyekto plantsado na

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAKABULUHAN ang ginanap na summer outing at bonding ng grupong Society of …

Charina Carmen Josol

Charina Carmen Josol beauty queen pinasok pag-aartista at singer

HARD TALKni Pilar Mateo SEVENTEEN siya nang ligawan ng lumalabas na sa pelikulang si Matthew Mendoza. …

Mr M Vibe Starworx

Mr. M balik-Vibe

MATABILni John Fontanilla MARAMI ang nakungkot nang kumalat ang balitang tsugi na sa TV5 ang kalilipat pa lang …