ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
AMINADO ang talented na young actress na si Xia Vigor na marami ang nagugulat kapag nalamang siya ang dating child star na nagbida sa pelikulang “Miracle in Cell No. 7” noong 2019 na tinampukan ni Aga Muhlach at sa “Your Face Sounds Familiar-Kids” ng ABS CBN na ginaya niya si Taylor Swift.
Aniya, “Natatawa nga po ako lagi, kasi, hindi nila alam na malaki na po ako ngayon at ang nasa isip nila ay yung batang si Xia po. So, marami po na nagpapa-picture sa akin na parang hindi nila sure kung ako talaga si Xia, kasi po bata pa raw iyong si Xia.
“Kaya po mas nagiging active ako sa mga social media, para unti-unti, like makita ng mga tao iyong ngayon po na ako,” nakangting wika niya.
Ngayon ay 16 years old na si Xia at nang nakapanayam namin siya recently, nabanggit niya ang MMFF entry nilang ito ang itinuturing niyang biggest break niya sa showbiz.
Pahayag ng magandang bagets, “For sure, itong Miracle in Cell No. 7, kasi ito po ang biggest role ko at most challenging po sa acting at ang mga kasama ko po roon ay talagang mga veteran actors po. So, its such an honor and that’s really the most memorable project for me.”
Nabanggit din ni Xia na wish niyang magkaroon ulit ng project na ganoon katindi.
“Siyempre po, kasi malaking opportunity po ang mga ganoong projects, especailly when I work with veteran actors po. Kasi, marami po akong natututunan sa kanila and nadadala ko po talaga ang mga itinuturo nila sa akin throughout my whole acting career.
“So, sana po talaga in the future I can have another big project like iyong Miracle in Cell No. 7 at MMFF din po sana,” nakangiting pakli pa ni Xia.
Nabanggit din ni Xia na nami-miss na niyang makatrabahong muli si Aga dahil parang naging tatay daw niya talaga ang aktor noong ginagawa nila ang nasabing pelikula.
Anyway, ngayon ay pumasok na rin sa pagkanta si Xia. Ang debut single niya ay “Aminin” na sinundan ng “Mahal Kita, Bahala Na” mula sa Viva Records. May bagong serye na aabangang din kay Xia.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com