MATABIL
ni John Fontanilla
MARAMI ang nakungkot nang kumalat ang balitang tsugi na sa TV5 ang kalilipat pa lang na si Mr Johnny Manahan bilang head ng Star Worx, ang talent management ng singko.
Pero may mga bali-balita namang sa variety show lang ng TV5 na Vibe bilang director inalis si Mr. M at hindi sa TV network.
Ang siste, hindi man lang nasabihan umano si Mr M na wala na siya sa show at kung anong dahilan ng pagkatanggal.
Pero ang latest, babalik na si Mr. M bilang direktor ng Vibe.
Nagkaroon daw ng kaguluhan among staff particularly sa in-charge ng programa dahil hindi na-handle ng maayos ang usapin.
Well, bukas ang aming pahina sa Vibe or TV5 para sa ikalilinaw ng usaping ito.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com