Thursday , June 4 2026
Kiko Dee Alan Cayetano Robin Padilla Mao Aplasca

Cayetano, Padilla, Aplasca inireklamo ng Obstruction of Justice sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamong Obstruction of Justice sa Office of the Ombudsman ang grupong Tindig Pilipinas laban kina Senate President Alan Cayetano, Senator Robinhood Padilla at dating Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca.

Inilinaw ni Tindig Pilipinas convenor Francis Joseph “Kiko” Aquino Dee, ang pagsasampa ng kaso ay bunsod ng pangyayari na may mga opisyal ng pamahalaan na maaaring tumulong o nagbigay daan para makatakas si Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa pag-aresto sa kabila ng umiiral na warrant of arrest na inilabas ng International Criminal Court (ICC) .

“Layunin ng reklamo na igiit ang isang pangunahing prinsipyo ng demokrasya na walang sinuman ang nakahihigit sa batas,” pahayag ni Dee.

“Hindi lamang ito tungkol sa isang tao kundi tungkol sa pagtatanggol sa integridad ng mga pampublikong institusyon at sa pagtiyak na ang mga mekanismo ng pananagutan ay gumagana nang walang panghihimasok ng politika,” pahayag ng convenor ng Tindig Pilipinas.

Dagdag ni Dee, bahagi ng reklamong ito ang mas malawak na pagsisikap na labanan ang kutura ng impunity o kawalan ng pananagutan at makiisa sa mga biktima ng drug war at kanilang mga pamilya.

Nanawagan ang mga naghain ng reklamo sa Ombudsman na magsagawa ng patas at walang kinikilingang imbestigasyon at tiyaking mapanagot sa ilalim ng batas ang mga opisyal na mapatutunayang humarang sa proseso ng hustisya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …