Thursday , June 4 2026
Joel Lamangan Vean Cancino Olmedo

Joel Lamangan nabighani sa ganda at galing ni Vean Cancino Olmedo

HARD TALK
ni Pilar Mateo

DALAWANG Sabadong nagsilbing hurado sa pagtatanghal ng mga bagong sumabak sa workshop ng Philstagers ni Atty Vince Tañada sa Blackbox Theater ang premyadong direktor na si Joel Lamangan.

Kaya sa kanilang pinaka-recital, kasama ang mga taal ng mga entabladista ng PSF, tinunghayan ni direk Joel kasama ang iba pang mga bata at beterano sa teatro at pelikula ang kanilang mga obra.

Dalawang Sabadong tinunghayan nina direk Joel at mga kasamang sina Richard Quan – Film and TV Actor, Dr. Anton Juan – Director, playwright and Professor,  at BJ Crisostomo – Playwright and Theater Actor ang sari-saring mga dula.

Noong unang Sabado, itinampok ang mga sumusunod: 

STAGERS MAIN COMPETITION

• Lost and Found – Zen Lizardo

• slaSHEs – Arien Santos

• Silo – Kharen Udarbe

OPEN MAIN COMPETITION

• 48k: Gising Pilipinas – A-Team Creatives

• Awake – The Ouaos

WORKSHOP & REVISITED PLAY

• Laro – Workshop Edition

• Loob – Revisited Play

Noong ikalawang Sabado naman (May 30) itinampok ang:

STAGERS MAIN COMPETITION

• Salin – Fidel Redado

• Triangulong Bahaghari – Daffodil Perez

• The Casting Call – James Ramada

OPEN MAIN COMPETITION

• Lotto Ticket – Tanghalang SLU

• Bakit Puro Na Lang Bakit? – Luis Miguel Almeda

WORKSHOP & REVISITED PLAY

• Krystal – Workshop Edition

• Babae Nga Naka Itum – Revisited Play

Sa panonood ng nasabing dula, dinadala ka nito sa sari-saring pintuang nagbubukas ng puso’t kaisipan.

Ibang klaseng immersion ‘ika nga. At pati ikaw na manonood ay natututo sa mga komento ng mga henyong guro at dalubhasa na sa sining ng teatro.

Mapapanganga. Magugulat. In their naked glory. Pero hindi ka bibitiw sa nilalaman ng mga eksenang lalamon sa presensya mo.

Walang itulak-kabigin. Totoo. Mas may umangat.  Pero walang itatapon. Paiigtingin lang.

Dito namin nakita kung gaanng nabighani si direk Joel sa aktres na dalawang beses niyang napanood sa dalawang dula.

Rikit na rikit siya sa mukha ng artista na sa maraming dula at pelikula ni Atty. Vince.

Si Vean Cancino Olmedo.

Napakaganda! Parang isang tunay na Birhen.  Isasama na kita sa susunod na proyekto ko. Maganda na eh, napakahusay pang umarte,” wika ni direk Joel.

Sa huli niyang sinalangan, ang Ang Babaeng  Naka-itim, aakalain mo talagang nabuhay na Birhen si Vean. At sa unang dula naman, ay naghubad si Vean. 

Walang maliit o malaking role. Kaya isasalin ito ni Atty. Vince sa pelikula.

Nakasilo na ba ng bago niyang Musa ang henyong direktor sa pelikula na si direk Joel?

At sa Nobyembre naman, babalikan ni direk Joel ang pag-arte sa entablado kasama sina Dr. Anton at  Atty. Vince. 

Sa muling pagsasadula ng Larawan Portrait of the Filipino as An Artist.

Ang istorya ng magkapatid na Paulo at Candido. At sa pupukaw sa damdamin nilang si Tony Javier. Kasama si Johnrey Rivas bilang si Bitoy. Na ididirehe ni BJ Crisostomo.

Direk Joel is on a roll. Sige pa rin kasi ang dating ng offers sa kanya para magdirehe ng pelikula.

May tatapat ba sa husay niya bilang si Roda sa Batang Quiapo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …