MATABIL
ni John Fontanilla
MAGRI-RELEASE ng bagong album si Patricia Javier under Viva Records.
Ani Patricia, taon ang ginugol niya para sa bagong album na may 12 original songs at may dalawang espesyal na bonus track.
Naglalaman ang album ng mga kantang punompuno ng hope, healing, gratitude, love, at inspiration,.
Busy si Patricia sa promotion ng kanyang single na Imagine Me Without You na kasama sa ilalabas niyang album ngayong taon.
Ang nasabing awitin ay alay niya sa Panginoon, “Siyempre unang-una ang awiting ito ay inaalay ko para sa Panginoon.
“If you have God in your life, you have everything.”
Naghintay si Patricia ng right timing para i-release ang 1st single at ngayong taon na ‘yun na susundan ng kanyang 12 track album.
Kuwento nga nito na bata pa siya ay pangarap na niya ang maging singer at artista.
“Kasi pangarap ko noong bata pa ako na sana maging singer ako, sana maging artista ako.”
Pagpapatuloy nito, “There was a time kumakanta po ako ng ‘Wind Beneath My Wings,’ eh nasa puno ako ng santol ang sabi ko fly fly, tapos nalaglag ako kasi ‘yung sanga naputol, tapos bumagsak ako sa lupa.
“Pero sabi ko tatayo ako, tatayo ako at someday, sabi ko makakakanta ako katulad nito sa harap ninyo.”
Bukod sa pag-arte sa pelikula at telebisyon at pagtulong sa ating mga kababayan, pagtutuunan ng pansin ngayong taon ni Patricia ang pagkanta at paggawa ng magagandang awitin.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com