I-FLEX
ni Jun Nardo
BRAND new tandem ang mapapanod sa bagong game show ng GMA na The People Have Spoken—Fashion Icon Heart Evangelista at Sparkle Heartthrob Sean Lucas.
Sa unang pagkakataon, pumasok si Heart sa kanyang game show era na may classy kikay energy samantalang si Sean naman eh magkakaroon ng playful interaction sa audience.
Si Heart ang bahala sa celebrity guests habang si Sean ay chika-chika sa 100 audience guest.
Sa June 6 na ang premiere ng game show na relatable topics ang mapag-uusapan na konek sa manonood.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com