Thursday , June 18 2026
Arrest Shabu

Drug suspect timbog sa checkpoint, P.370-M shabu nasabat

ARESTADO ang isang lalaki matapos makuhaan ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P374,000 kasunod ng isinagawang checkpoint operation ng mga operatiba ng Baliwag City Police CPS sa kahabaan ng DRT Highway, Brgy. Pinagbarilan, lungsod ng Baliwag, lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado ng madaling araw, 23 Mayo.

Sa ulat ni P/Lt. Col. Eisbon Llamasares, hepe ng Baliwag CPS, kinilala ang suspek na isang 47-anyos na driver at residente ng Brgy. Bulihan, Plaridel, sa nabanggit na lalawigan.

Batay sa ulat, namataan ng mga pulis ang suspek na nagmamaneho ng motorsiklo nang walang standard protective helmet at side mirror na paglabag sa RA 10054.

Nang parahin ng mga awtoridad, tinangka umano ng suspek na takasan ang checkpoint subalit agad ding naharang ng mga rumespondeng pulis.

Sa isinagawang inspeksyon, tumanggi umano ang suspek na sumunod sa mga kautusan ng mga awtoridad at nanlaban, dahilan upang siya ay arestuhin para sa kasong Resistance and Disobedience to a Person in Authority.

Sa isinagawang lawful search incidental to arrest, narekober mula sa kanyang pag-iingat ang limang heat-sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na humigit-kumulang 55 gramo at nagkakahalaga ng tinatayang P374,000.

Naipabatid sa suspek ang kaniyang mga karapatang naaayon sa batas habang ang isinagawang imbentaryo ng mga nakumpiskang ebidensya ay dinaluhan ng mga kinatawan mula sa DOJ/NPS, media, at isang halal na opisyal ng pamahalaan alinsunod sa umiiral na alituntunin.

Dinala ang naarestong suspek at mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa Bulacan Provincial Forensic Unit para sa kaukulang laboratory examination at drug testing habang inihahanda ang pagsasampa ng mga kasong paglabag sa Section 11, Article II ng RA 9165, RA 10054, at Resistance and Disobedience to a Person in Authority.

Samantala, muling pinagtibay ng Bulacan PPO ang kampanya laban sa ilegal na droga at iba pang kriminalidad sa lalawigan alinsunod sa direktiba ni P/Col. Jay Baybayan, Officer-In-Charge, na paigtingin ang police visibility at checkpoint operations upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

PSC Pato Gregorio ICTSI Athletics Championships

Gregorio, pinuri ang matagumpay na ICTSI Athletics Championships; suportado ang Korea-PATAFA partnership

NEW CLARK CITY — Tinapos ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Patrick Gregorio ang ICTSI …

Goitia Gibo Teodoro

Goitia kinondena ang panggigipit ng Tsina kay Teodoro, nagbabala sa unti-unting panghihimasok sa Bajo de Masinloc

MARIING kinondena ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia ang pagpapataw ng sanksyon ng Tsina …

Korea vs Chinese Taipei AVC Womens Cup

Korea, nasungkit ang ginto sa AVC Women’s Cup matapos walisin ang Chinese Taipei

CITY OF CANDON — Tinapos ng Korea ang kanilang dominanteng kampanya sa Asian Volleyball Confederation …

Hussein Loraña Sydney Joshua Yap Artjoy Torregosa sa ICTSI Philippine Athletics Championships

Wagdos, Torregosa, Ubas, Yap nag-ambag ng ginto sa New Clark City
Loraña, KG Mercuries nanguna sa penultimate day ng ICTSI PH Athletic Championships

CAPAS, Tarlac — Muntik nang maitala ni Hussein Loraña ang bagong pambansang rekord matapos pagharian …

Leonard Grospe Lauren Hoffman Gabe Borado ICTSI Philippine Athletic Championships

Hoffman, iba pang PH Athletes nanaig sa ibat-ibang kompetisyon
Grospe muling bumasag ng pambansang rekord, lumundag ng 2.23m sa ICTSI Athletics Championships

CAPAS, TARLAC — Lumundag si high jumper Leonard Grospe ng bagong pambansang rekord na 2.23 …