Friday , June 12 2026
Leslie Ann Uy Alu Garden Mark Neumann

ALU Garden owner artistahin

MATABIL
ni John Fontanilla

ARTISTAHIN, maganda, at pasadong leading lady ang isa sa owner ng ALU Garden na si Leslie Ann Uy, kaya naman sa grand launching ng kanilang all in one bonggang resort ay natanong ito kung minsan ba sa buhay niya ay naisip niyang mag-artista.

Tsika ni Ms Leslie, “Opo pangarap ko talaga! Wala ng paligoy-ligoy. Lagi akong nag-a-audition dati kaso hindi ako sinusuportahan ng parents ko.

“Mas maganda na magtinda ako sa grocery, pero okey lang kasi marami akong natutunan sa pagnenegosyo. So ‘yung beauty ko para sa inyo na lang.”

At dahil wala ngang suporta mula sa mga magulang ay mas nag-focus na lang ito sa pagnenegosyo, na napagtagumpayan naman niya.

At ngayon nga ay may bago itong negosyo na collaboration sa dalawa pa sa successful businessman sa bansa na sina Albert Can̈o at ang kanyang partner ni Leslie na si Heiz Robert Andros at ito nga ang aa in one resort na ALU Garden sa Amadeo Cavite. 

Ayon nga kay Ms Leslie kaugnay sa edge ng ALU Garden sa ibang resort, “For me ‘yung unique preposition is all in one siya. Wala pa akong nakita sa buong south na nag-o-offer ng all in ng gaming hub, may salon, may massage, may resort, may coffee shop. Tapos may restaurant, may villas, may airbnb.”

Dagdag naman ni Albert, “Usually ‘yung mga spa ngayon mayroon lang sila ng massage, body scrub, body bleaching, sa amin kasi sinamahan ko na ng hair spa.

“Tapos puwede ka ring magpa-remove ng warts, puwede rin nating isama roon, magpa-Hi-Fu ka, magpa-botox ka, mayroon kaming ganoon all in na siya.

“May pa-gluthatione rin kami forte ng mga friend kong mga doctor and nurse. So ‘yun ang mayroon kami na wala sa iba na mga traditional na mga spa.”

At lahat ng services na nabanggit ay reasonable ang presyo ayon kay Albert.

Oo reasonable naman so siyempre, at saka negotiable  ang price.”

Reasonable and affordable ang price ng mga gustong pumunta at mag-stay sa ALU Garden ayon kay Ms Leslie.

Affordable naman po. Kasi befor we finalize the selling price nag-market study kami. Ikinompara namin doon sa mga competitor around ‘yung price. Mas cheaper kami sa kanila.

“Cheaper, pero were still giving the best quality that they get, sa service, sa place, sa mga food.

“Masasabi nga naming kakaibang experience ang pag-stay sa ALU Garden, dahil sa dami ng puwede mong gawin dito dahil mayroon silang Private Villas na may Dipping Pools, Well-Appointed Hotel Rooms, Cafe and Restaurant, Spa and Massage Services, Gaming Hub, Salon at Events Place na ma eenjoy ng lahat. Kumbaga lahat narito na at wala ka nang hahanapin pang iba.”

Bukod sa mababait ang kanilang mga staff at masasarap ang pagkain.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Jos Garcia Nolo Lopez

Jos Garcia and Nolo Lopez nominado sa 17th Star Awards for Music

MATABILni John Fontanilla NAGPAPASALAMAT ang Pinay international singer na nakabase na sa Japan na si Jos …

Ryzza Mae Dizon Toni TalksToni Gonzaga

Ryza Mae Dizon thankful sa TVJ

MATABILni John Fontanilla EMOSYONAL na ibinahagi ni Ryzza Mae Dizon sa interview nito sa Toni Talks ni Toni …

Claudine Barretto Dolphy Home Along Da Riles

Claudine ramdam na kasamang nanonood si Dolphy 

MA at PAni Rommel Placente LAST week ay nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home Along …

Aiko Melendez Andre Yllana

Andre gusto nang bumukod kay Aiko

MA at PAni Rommel Placente DUMATING pala sa puntong nagtampo kay Aiko Melendez ang anak niyang si Andre …

Sue Ramirez

Sue malaki ang impluwensiya ng Project Baby sa kanyang growth bilang babae 

BIDA ang Star Magic actress na si Sue Ramirez sa naganap na Star Magic Press Conference noong June 6, 2026, sa …