KINOMPIRMA ni MIMAROPA Police Regional Director PBGen. Christopher Dela Cruz na namatay ang isang construction worker sa isang disgrasya habang ginagawa ang isang tulay sa Barangay Udalo, Abra de Ilog, Occidental Mindoro pasado past 4:00 ng hapon, kahapon Martes, 19 Mayo.
Sa ulat, nabatid na bumigay ang crane na nagbubuhat sa isang mabigat na kongkretong biga (beam) ng tulay, kaya ito’y bumagsak at tumama sa isang construction worker.
Kontrobersiyal ang kontruksiyon ng nasabing tulay dahil sa matagal na pagkakabinbin ng pagawain na tinatayang umabot na sa isang dekada.
Noong nakaraang Pebrero, personal na tinungo at inenspeksiyon ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang tulay at mahigpit na nagbabala at nagbaba ng direktiba na tapusin ang pagawain hanggang Hunyo 2026. (HNT)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com