Friday , June 12 2026
LABORER TODAS SA BIGA NG 10-TAON GINAGAWANG TULAY SA ABRA DE ILOG Occidental Mindoro

Sa Occidental Mindoro
LABORER TODAS SA BIGA NG 10-TAON GINAGAWANG TULAY SA ABRA DE ILOG

KINOMPIRMA ni MIMAROPA Police Regional Director PBGen. Christopher Dela Cruz na namatay ang isang construction worker sa isang disgrasya habang ginagawa ang isang tulay sa Barangay Udalo, Abra de Ilog, Occidental Mindoro pasado past 4:00 ng hapon, kahapon Martes, 19 Mayo.

Sa ulat, nabatid na bumigay ang crane na nagbubuhat sa isang mabigat na kongkretong biga (beam) ng tulay, kaya ito’y bumagsak at tumama sa isang construction worker.

                Kontrobersiyal ang kontruksiyon ng nasabing tulay dahil sa matagal na pagkakabinbin ng pagawain na tinatayang umabot na sa isang dekada.

Noong nakaraang Pebrero, personal na tinungo at  inenspeksiyon ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang tulay at mahigpit na nagbabala at nagbaba ng direktiba na tapusin ang pagawain hanggang Hunyo 2026. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bam Aquino

Bam Aquino pinaiimbestigahan mabagal na paglulunsad ng P67-B pondo sa pagtatayo ng silid-aralan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NAGBALIK bilang tagapangulo ng Senate Committee on Basic Education si Senador …

PSC Pato Gregorio Ateneo Student Athletes

PSC, sports stakeholders nagkaisa sa mga reporma kasunod ng trahedya sa Ateneo student-athletes

PINASASALAMATAN ng Philippine Sports Commission (PSC) ang Commission on Higher Education (CHED), Department of Education …

Supreme Court 125th Anniversary NHCP

SC Unveils Historical Marker, Plaque for 125th Anniversary

MANILA, Philippines — The Supreme Court of the Philippines officially unveiled a historical marker from …

Nartatez PNP

Higit pa sa pagpapatupad ng batas: Pananagutan, serbisyo, at resulta sa ilalim ng PNP

ANG tiwala ng publiko ay hindi nabubuo sa pamamagitan ng mga islogan. Unti-unti itong pinaghihirapan …

National Confederation of Labor NCL Pingkian

Politika, midya, at mga suliraning sosyal ng mga ordinaryong mamamayan

ni TEDDY BRUL DESMAYADO nang talaga ang publiko sa mga balitang nangingibabaw sa mga online …