Thursday , June 11 2026
Joy Belmonte QCitizen Data Resibo ng Serbisyo

Mayor Joy inilunsad QCitizen Data-Resibo ng Serbisyo

PARA MAGKAROON ng higit na transparency, accountability, at mabilis na pagseserbisyo sa publiko sa pamamagitan ng open digital governance tampok ang tatlong flagship digital platforms at upang higit na maunawaan, ma-monitor at malaman ng QCitizens ang iba’t ibang serbisyo ng LGU, pinangunahankahapon ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang paglulunsad ng QCitizen Data-Resibo ng Serbisyo na bahagi ng commitment ng lokal na pamahalaan sa mga mamamayan ng lungsod.  

Sa pamamagitan ng QC Open Data Dashboards, mas accessible, accurate, relevant at realtime city data tungkol sa serbisyo ng lokal na pamahalaan, demographics, key gov’t programs para mai-promote ang transparency, evidence-based decision making at citizen engagement.

Ilan sa dashboard na nasa QC eServices platform ang QC Helpline 122, QCID, PWD Community, Free Maintenance Medicine, Pangkabuhayan QC, at QC Scholarship Program.

Makikita sa QC Open Infra Dashboard ang detalye ng mga infrastructure project ng lungsod, halaga, contractor, timeline, progress updates, GIS location, photo documentation mula sa implementation hanggang sa completion habang sa iReport, maaaring mag-report ang publiko ng mga reklamo, progreso at tugon ng kinauukulang departamento ng LGU.

“Ito ay pagtupad sa pangako ko na buksan ang record ng mga proyekto sa ilalim ng ­aking pamumuno,” ani Belmonte.

Ang mga hakbanging ito ay naglalayong maibsan ang korupsiyon, mas mahusay na serbisyo, at good governance dahil karapat-dapat ang QCitizens na makita ang lahat ng record ng lungsod.

Hinikayat ni Belmonte ang QCitizens na gamitin ang platform sapagkata malaki ang maitutulong nito upang malaman at makita ng mga tao ang ginagawa ng city government. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DPWH Bulacan

Sa maanomalyang flood control projects  
2 Bulacan DPWH Officials sumuko kalaboso na kasama ni Discaya

ni MICKA BAUTISTA DALAWA pang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan …

061026 Hataw Frontpage

Pagkalunod sa Aurora kinukuwestiyon ng ina
2 ATENEO STUDENT-ATHLETES PATAY SA TEAM BLDG ACTIVITY

HATAW News Team DALAWANG mahuhusay na basketbolista ng Ateneo de Manila University (AdMU) Men’s Basketball …

MMDA Gabriel Go

MMDA pinalalakas ang clearing operations sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila

TINALAKAY ni MMDA Special Operations Group (SOG) Chief Gabriel Go ang patuloy na pagpapatupad ng …

arrest, posas, fingerprints

5 ‘Gen Z boys’ timbog sa pangmomolestiya ng Columbian tourist

LIMANG kalalakihan ang inaresto ng mga awtoridad dahil sa pangmomolestiya sa isang turistang Colombian national, …

TNVS driver binaril ng pasahero

TNVS driver hinoldap, binoga ng pasahero 

BIGONG makauwi sa kanyang pamilya ang isang Transport Network Vehicle Service (TNVS) driver nang holdapin …