Wednesday , June 10 2026
PDL Iwahig Prison and Penal Farm IPPF

Mula Bilibid sa Muntinlupa, 500 PDLs ibiniyahe sa Iwahig

SINIMULAN nang ilipatang isang batch ng 500 preso o persons deprived of liberty (PDLs) sa Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) sa Puerto Princesa, Palawan, nitong Sabado, 16 Mayo, ayon sa Bureau of Corrections (BuCor).

Sinabi ni BuCor Director General Gregorio Pio Catapang, Jr., bahagi ito ng decongestion drive para sa mas malawak na reporma sa criminal justice na magpapabuti sa kaligtasan ng publiko at karapatang pantao.

Aniya, matagal nang suliranin ang decongestion sa New Bilibid Prison (NBP) na itinayo noong 1940 at may kapasidad na 11,000 inmates, ngunit mahigit na sa doble ang populasyon ngayon.

Bahagi rin ito ng paghahanda sa planong pagsasara ng NBP na sinabing pauunlarin ang 551-ektaryang reserbasyon para maging isang “for lease” government property na tatawaging New Bucor Global City.

Ang paglilipat ng PDLs sa Iwahig, ani Catapang, ay parte ng mas malawak na plano para sa mas maayos na lugar para sa rehabilitasyon.

“We envision a correctional system where PDLs can serve their sentences in humane surroundings that promote rehabilitation and eventual reintegration into society,” aniya.

Ngayong 2026, target ng BuCor ang pagbiyahe ng kabuuang 7,500 PDLs mula sa NBP patungo sa isa pang BuCor operating prisons and penal farms sa bansa. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DPWH Bulacan

Sa maanomalyang flood control projects  
2 Bulacan DPWH Officials sumuko kalaboso na kasama ni Discaya

ni MICKA BAUTISTA DALAWA pang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan …

061026 Hataw Frontpage

Pagkalunod sa Aurora kinukuwestiyon ng ina
2 ATENEO STUDENT-ATHLETES PATAY SA TEAM BLDG ACTIVITY

HATAW News Team DALAWANG mahuhusay na basketbolista ng Ateneo de Manila University (AdMU) Men’s Basketball …

MMDA Gabriel Go

MMDA pinalalakas ang clearing operations sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila

TINALAKAY ni MMDA Special Operations Group (SOG) Chief Gabriel Go ang patuloy na pagpapatupad ng …

arrest, posas, fingerprints

5 ‘Gen Z boys’ timbog sa pangmomolestiya ng Columbian tourist

LIMANG kalalakihan ang inaresto ng mga awtoridad dahil sa pangmomolestiya sa isang turistang Colombian national, …

TNVS driver binaril ng pasahero

TNVS driver hinoldap, binoga ng pasahero 

BIGONG makauwi sa kanyang pamilya ang isang Transport Network Vehicle Service (TNVS) driver nang holdapin …