Thursday , June 11 2026
ALU Garden

ALU Garden grand launch matagumpay

MATABIL
ni John Fontanilla

DINAGSA ang grand launch ng ALU Garden sa Amadeo, Cavite na ginanap noong May 18, 2026.

Ang ALU garden ay pag-aari nina Albert Caño, Heiz Robert Andros, at Leslie Ann Uy.

Naging espesyal na panauhin at nakasama sa ribbon cutting ang aktor na si Mark Neumann.

Ibinahagi ng dalawang owner na sina Albert at Leslie kung paano nabuo ang collaboration nila sa ALU Garden.

Ayon kay Albert, “Nag-start ‘yun noong may gusto kaming i-open na coffee shop sa Canyon Cove kasi may business din ako roon. So, nakipag-meeting na kami sa VP ng Canyon Cove pero ‘di natuloy.

“Napahiya ako, siyempre parang kapatid ko na si Leslie, kaya humanap ako ng paraan na humanap ng business na kasama siya.

“A week after that happen may tumawag sa akin sinabi na, ‘sir may vacant space rito open for sale, ibinibenta o gusto mo ire-rent out na lang.’

“Tinawagan ko siya (Leslie) at sinabi ko na may for rent na space o ibinebenta na. Sinabi ko sa kanya, ‘go ba natin ito?’ Piniktyuran ko at sinend ko sa kanya, tapos sabi niya sa akin i-go ko na.

“Doin nag-start, and then sa logo namin, sabi niya, ‘ikaw na bahala.’

“Nag-search ako sa Bible, for positive ang sini-search ko. Biglang lumabas ang ALU na ang meaning moving, positive siya.

“Although combination ng name namin ang ALU , Albert, Leslie Anne Uy. Sakto rin na may bago siyang partner in life, same rin ng letter A (Andros) din sakto. Roon nag-start ‘yung Journey namin kung paano nag-start ‘yung ALU Garden.”

Dagdag naman ni Ms Leslie, “To add doon, sinabi ni Albert kung paano nabuo ang ALU. Siya kasi talaga (Albert) ang business niya SPA, Massage at saka Salon, marami siyang branches more than 10 sa buong Pilipinas.

“Ako naman ‘yung first business ko naman franchising, fanchiser kami ng Bean Leaf, mayroon kaming 40 branches nationwide.

“So ayun mahilig sa negosyo, pero ayun nga nang i-open niya ‘yun, sabi niya nga na mag-open kami ng ganitong business. Sabi ko why not? Kasi sabi ko ‘di ko forte ‘yung spa eh ang galing niya roon, tapos ang laki ng space gusto ko naman ‘yung food, resto ‘yung coffe shop.

“Sakto rin na may nga building na available, may mga room, kaya nabuo na all in one hub.

“Tapos ‘yung partner ko naman na si Heiz Robert mahilig siya sa gaming kaya may gaming Hub din dito.

“Kanya-kanya kami ng hawak dito, pinag-combine lang lahat, kaya nabuo ang ALU Garden.”

May inspirasyon sila nang buuin ang ALU Garden at ito ay para makatulong at makapagbigay-trabaho sa mga kababayan nating nangangailangan ng trabaho.

“Siyempre mayroon of course kailangan din natin makatulong sa ating kababayan na nangangailangan ng trabahp.

“’Yun ang ini-aim namin, ang makapagbigay ng maraming trabaho sa ating mga kababayan.

“Kasi sa totoo lang ang daming nag-apply, sa email namin umabot ng 200.

“Hoping na maging successful ‘yung business namin para marami pa kaming matulungan,” sabi pa ng tatlong may-ari

Ang ALU Garden ay all in one hub na halos lahat ay naroon na. May magaganda silang Private Villa na may dipping pool, well appointed hotel rooms, Cafe and Restaurant, Spa and Massage Services, Gaming Hub, Salon at Events Place na ma-eenjoy ng lahat.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Khai Flores Mantsa

Khai Flores seryoso sa kanyang acting career, tampok sa pelikulang “Mantsa”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio INILARAWAN ni Khai Flores na kakaiba ang pelikula nilang “Mantsa” …

Gwen Garci MILF Maui Taylor Sheree Katya Santos

Gwen Garci balik sexy role sa new movie, pasok din sa seryeng “You’re My Favorite Song”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGLALAGARI sa dalawang projects si Gwen Garci, ito ang Kapuso series na “You’re My …

BB Gandanghari Iloilo

BB Gandanghari at iba pang celebs bumisita sa Iloilo Terminal Market; Public Markets umuusbong na Tourist destination

BUKOD sa pagpapabuti ng kalagayan at karanasan ng mga nagtitinda at mamimili, nakatulong din ang …

Ellen Adarna John Lloyd Cruz Isabel Santos

Ellen mas madalas ka-bonding si JLC

I-FLEXni Jun Nardo MALABO na nga sigurong magkabalikan ang dating couple na sina Ellen Adarna at Derek Ramsay. …

Heart Evangelista John Prats Teka Lang

Heart, John naghatid ng kilig sa Teka Lang music video

I-FLEXni Jun Nardo GOOD vibes ang dating ng muling pagsasama ng former lovers na sina Heart …