Wednesday , June 10 2026
Balik Eskwela Shoe Bazaar sa Marikina

Balik Eskwela Shoe Bazaar sa Marikina

NAGBEBENTA ng mura, komportable at de-kalidad na sapatos ang mga Marikenyong magsasapatos, bilang pagsuporta ng Marikina City local government unit (LGU) na mag-alok ng basic goods at back-to-school supplies, kasabay ng pagbubukas ng Balik Eskwela `Shoe Bazaar na sinimulan nitong Lunes at magtatapos hanggang 21 Hunyo.

Nakalaan ang programa para sa mga mag-aaral, guro, at iba pang mangangailangan ng de-kalidad at leather goods para sa pagbubukas ng klase ngayong school year 2026- 2027.

Kilala ang Marikina City bilang Shoe Capital of the Philippines, na tanyag sa paggawa ng mga quality handcrafted footwear and leather goods, kaya naman taon-taon isinasagawa ang programa na nagbebenta ng mga mura at de-kalidad na sapatos, partikular para sa mga estudyante.

Pinangunahan ni Marikina Mayor Marjorie Ann “Maan” Teodoro ang official opening ng shoe bazaar kasama si Congressman Marcelino “Marcy” Teodoro, mga city councilors, at Philippine Footwear Federation Inc. (PFFI) president, Nick Dela Paz.

Layunin ni Mayor Maan na makatulong sa mga pamilyang may mga mag-aaral at masuportahan din ang shoemaking industry ng Marikina.

“Pagkakataon po ito para makabili ng sapatos na mura at de-kalidad na pang-eskwela para sa ating mga anak habang gusto rin natin matulungan ang ating mga magsasapatos na makilala at makabenta po nang marami lalo ngayong magpapasukan, may pangangailangan po talaga sa sapatos na gawang Marikina,” ayon sa alkalde.

Ang shoe bazaar ay inorganisa ng Philippine Footwear Federation Inc. (PFFI), at makikita rito ang mga de-kalidad na sapatos, bags, at leather goods na gawa mula sa 39 local manufacturers.

 Ang shoe bazaar ay makikita sa Marikina Freedom Park na bukas mula 9:00 ng umaga hanggang 7:00 ng gabi araw-araw. (VICK AQUINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vick Aquino

Check Also

DPWH Bulacan

Sa maanomalyang flood control projects  
2 Bulacan DPWH Officials sumuko kalaboso na kasama ni Discaya

ni MICKA BAUTISTA DALAWA pang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan …

061026 Hataw Frontpage

Pagkalunod sa Aurora kinukuwestiyon ng ina
2 ATENEO STUDENT-ATHLETES PATAY SA TEAM BLDG ACTIVITY

HATAW News Team DALAWANG mahuhusay na basketbolista ng Ateneo de Manila University (AdMU) Men’s Basketball …

MMDA Gabriel Go

MMDA pinalalakas ang clearing operations sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila

TINALAKAY ni MMDA Special Operations Group (SOG) Chief Gabriel Go ang patuloy na pagpapatupad ng …

arrest, posas, fingerprints

5 ‘Gen Z boys’ timbog sa pangmomolestiya ng Columbian tourist

LIMANG kalalakihan ang inaresto ng mga awtoridad dahil sa pangmomolestiya sa isang turistang Colombian national, …

TNVS driver binaril ng pasahero

TNVS driver hinoldap, binoga ng pasahero 

BIGONG makauwi sa kanyang pamilya ang isang Transport Network Vehicle Service (TNVS) driver nang holdapin …