Thursday , June 11 2026
Del Rosario Caluya National Age Group Aquathlon
TANGAN nina Anisha Eunice Caluya at Peter Sancho Del Rosario ang kanilang gintong medalya na nanguna sa kanilang division sa Sprint junior elite category kasama si Quezon City Vice Mayor Gian Carlo Sotto na naggawad ng medalya sa awarding ceremony ng National Age Group Aquathlon Championships nitong Linggo Mayo 17 sa Amoranto Sports Complex sa Quezon City. (HENRY TALAN VARGAS)

Del Rosario, Caluya namayagpag sa National Age Group Aquathlon

PINATUNAYAN nina Peter Sancho Del Rosario at Anisha Eunice Caluya ang kanilang husay matapos maghari sa sprint junior elite category ng National Age Group Aquathlon na ginanap sa Amoranto Sports Complex sa Quezon City.

Naitala ng 16-anyos na si Del Rosario ng Santa Rosa, Laguna ang pinakamabilis na oras na 15 minuto at 54 segundo sa men’s division.

Ayon kay Del Rosario, naging epektibo ang kanyang inihandang estratehiya bago ang kompetisyon kaya matagumpay niyang nakuha ang kampeonato.

Pumangalawa si Darell Johnson Bada ng Olongapo City sa oras na 16:07 habang pumangatlo si Giro Don Rafael Gito sa 16:25.

Sa women’s division, matagumpay namang nadepensahan ni Caluya ang kanyang titulo matapos magtala ng 18:00 laban kay Kariel Rosacena ng El Nido Teen Sharks na nagtapos sa 22:10.

Sinabi ng 19-anyos na atleta mula De La Salle University na masaya siya sa kanyang naging performance sa kabila ng sunod-sunod na lokal at internasyonal na kompetisyon.

Matapos ang Subic International Triathlon, nakatakda namang sumabak si Caluya sa Asian Junior Cup sa Kampar, Malaysia sa Hunyo 10 hanggang 14.

Samantala, nagwagi rin sina Dustin Dame Eslay ng North Pine Aquatic Swim Team at national team standout na si Erika Burgos sa sprint elite men’s at women’s divisions.

Kabilang din sa mga nagkampeon sina Ralf Bernhard (16-19), Jan Mikaela Caruncho (20-29), at sina Fritzie Labastida at Patty Dimaano-Moncera (40-49).

Sa U15 Youth 13-15 category, nanguna sa boys division sina Pio Mishael Gabriel Latonio, Remsen Balog-Asan Cayowet, at Kurt Evans, habang namayagpag naman sa girls division sina Alainia Bouffaut, Eliesse Julia Dela Cruz, at Jovie Yzelle Calisog.

Nagkampeon din sa Super TriKids sina Gavin Tantoco at Ma. Georjina Pacquing-Sumale sa 9-10 divisions habang nangibabaw naman sina Knight Hiliel at Ysabella Leana sa under-6 category.

Ang torneo ay suportado ng Philippine Sports Commission, Milo, at Gatorade bilang bahagi ng grassroots at talent identification program ng Triathlon Philippines.

Nagpasalamat si Triathlon Philippines president Tom Carrasco sa Quezon City government sa maayos na pagsasagawa ng paligsahan. (TriPhil / HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

DPWH Bulacan

Sa maanomalyang flood control projects  
2 Bulacan DPWH Officials sumuko kalaboso na kasama ni Discaya

ni MICKA BAUTISTA DALAWA pang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan …

061026 Hataw Frontpage

Pagkalunod sa Aurora kinukuwestiyon ng ina
2 ATENEO STUDENT-ATHLETES PATAY SA TEAM BLDG ACTIVITY

HATAW News Team DALAWANG mahuhusay na basketbolista ng Ateneo de Manila University (AdMU) Men’s Basketball …

MMDA Gabriel Go

MMDA pinalalakas ang clearing operations sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila

TINALAKAY ni MMDA Special Operations Group (SOG) Chief Gabriel Go ang patuloy na pagpapatupad ng …

TNVS driver binaril ng pasahero

TNVS driver hinoldap, binoga ng pasahero 

BIGONG makauwi sa kanyang pamilya ang isang Transport Network Vehicle Service (TNVS) driver nang holdapin …

P7-M smuggled carrot noodles DA BOC

P7-M smuggled carrot sa noodles, nasamsam ng DA at BOC

HINDI nakalusot sa Department of Agriculture (DA) at Bureau of Customs (BoC) ang tangkang pagpuslit …