MATABIL
ni John Fontanilla
NAGHAHANAP muli ng kasambahay ang Kapuso actress at Tik Tok Clock host na si Kris Bernal.
Kailangan aniya ay marunong magluto, maglaba, maglinis, at komportable at mapagmahal sa mga pet dogs. Kailangan din na mayroong NBI, police, at barangay clearances.
Post nga nito sa kanyang Instagram, “Message 0991-3037816 if interested. Strictly no calls!”
Ito ang pangalawang pagkakataon na naghanap ng kasambay si Kris. Noong 2023 ay naghanap na rin ito ng yaya para sa kanyang anak na si Hailee.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com