Vivamax VMX Monay Hayok Scissors

Hayok, Monay, at Scissors mga pelikulang magpapainit ngayong summer

MATABIL
ni John Fontanilla

BACK TO BACK TO BACK ang ligaya at saya na talaga namang magpapainit ng inyong summer ang hatid ng VMX PH sa mga bagong pelikulang mapapanood ngayong Mayo.

Mapapanood na sa VMX ang pelikulang  Hayok na pinagbibidahan nina Apphle Celso, Stephanie Raz, Nico Locco, at Chester Grecia. Directed by Topel Lee.

Palabas na rin sa VMX ang pelikulang  Scissors na pinagbibidahan nina Ghion Espinosa, Sandra Dela Cruz, at Rhian Rivera sa direksiyon ni Christopher Novabos.

Habang mapapanood naman sa May 22 sa VMX ang Monay na pinagbibidahan nina Sahara Bernales, Rash Flores, Sahil Khan at Kim Yashii, Calix Garcia. Directed by Christopher Novabos.