ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
ILULUNSAD ng Jorge Siblingsang kanilang latest summer song na pinamagatang “Perfect Summer” sa isang espesyal na event na gaganapin sa The Vibe ngayong Biyernes, May 15.
Ang Jorge Siblings ay binubuo nina Gello Jorge, Neo Jorge, Mca Jorge, Evo Jorge, at Kryzl Jorge.
Inaasahang dadalo sa naturang event ang mga kapamilya, kaibigan, media representatives, press guests, at ilang Purple Hearts sellers upang saksihan ang unveiling ng bagong musical project ng magkakapatid.
Ang Perfect Summer ay isang masaya at upbeat na kanta na nilikha upang maipakita ang excitement at good vibes ng summer season, na maaaring magsilbing sound track para sa mga bakasyon, outings, at summer getaways.
Ayon sa Jorge Siblings, ginawa ang kanta bilang suporta sa musical passion ng kanilang bunsong kapatid na si Kryzl Jorge, na nakapaglabas na ng walong original songs sa murang edad.
Matapos ang opisyal na launching, inaasahang magiging available ang Perfect Summer sa social media platforms ng Jorge Siblings at mapapakinggan din sa YouTube, Spotify, at Apple Music.
Kaugnay ng nasabing proyekto, ipakikilala rin ng magkakapatid ang kanilang bagong billboard sa Commonwealth Avenue bilang bahagi ng promotion para sa kanta at sa kanilang brand na Purple Hearts.
Magkakaroon din ng online challenge na bibigyan ng pagkakataon ang kanilang online community na manalo ng Purple Hearts mini luggages at iba pang produkto.
Maaaring sumali sa pamamagitan ng paggamit ng kantang Perfect Summer sa kanilang summer getaway videos o pagsali sa official dance craze challenge alinsunod sa mechanics na ipo-post sa kanilang social media pages.
Ibinahagi rin ng Jorge Siblings na naghahanda sila ng mga espesyal na performances at charitable activities bilang bahagi ng nalalapit na ika-10 kaarawan ni Kryzl Jorge.
Patuloy na binabalanse nina Gello, Neo, Mca, Evo, at Kryzl ang kanilang mga tungkulin bilang entrepreneurs at students habang aktibo nilang pinapalawak at ipino-promote ang kanilang brand na Purple Hearts.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com