Friday , June 5 2026
Aksyon Agad Almar Danguilan

QCPD: 99.72%  UPER rating na, the best DIAS pa

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

PAMBIHIRANG Quezon City Police District (QCPD), dobleng panalo na naman ang kanilang hinakot na parangal nitong mga nagdaang linggo. Kung matatandaan, noong Enero 29, 2026, kinilala ang pulisya bilang Best Police District sa National Capital Region sa selebrasyon ng anibersaryo ng Philippine National Police (PNP).

Ngayon, makalipas ang mahigit tatlong buwan, hindi pa rin kumukupas ang QCPD at lalo pang ginagalingan para sa mamamayan ng lungsod – milyong bilang ng QCitizen.

Kaya, sino nga ba ang hindi mapapa -”wow” sa ipinamalas ng QCPD sa ilalim ng hindi matatawaran na liderato ni Director PBrig. Gen. Randy Glenn Silvio. Kung pag-uusapan ang galing, disiplina, at bagsik sa serbisyo, tila mahihirapan ang ibang distrito ng pulisya sa NCR  na habulin ang trabaho ng QCPD.

Hindi lang pumasa nitong nakaraang buwan ang QCPD – kung baga nanguna pa sila, “TOP ONE (1)” sa buong Metro Manila.

Ang nakuhang puntos lang naman ng QCPD ay 99.72% – halos perfect na! Konti na lang ay siyento por siyento na. Kagaling naman ng QCPD.

Nakuha ng QCPD ang Rank No. 1 sa buong National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa buwan ng Abril. Nakakuha ang pulisya ng 99.72% na rating sa Unit Performance Evaluation (UPER).

Ibig sabihin, halos hindi nagmintis ang QCPD sa trabaho mula sa paghuli ng mga kriminal hanggang sa pag-aasikaso ng mga papeles at pakikipag-bonding sa komunidad.

Kaya, tama ang sinasabi ng marami na pagdating sa Quezon City – “Safe ka rito, kaibigan!”

Heto pa…heto pa…ang alin? Ang isa pang hinakot na parangal ng QCPD. Sa selebrasyon para sa ika-27 Anibersaryo ng Internal Affairs Service (IAS) sa Camp Crame. Ano!? Itinanghal lang naman ang QCPD District Internal Affairs Service (DIAS) bilang “Best Unit (Best DIAS)” para  sa buong Filipinas.

Take note ha! Hindi lang sa Metro Manila ang pagkilala kung hindi para sa buong bansa. So, 13 rehiyon ang pinataob ng QCPD. Sino ba ang District Director ng QCPD na ito ha!? Kagaling naman ng kanyang liderato! Sino nga ba!? Sino nga ba PBrig. Gen. Silvio? He..he…he…Sino nga ba Miss PIO chief, PMaj. Jen Gannaban? Pakibulong naman sa akin para naman maisulat at masaludohan.

Ibig sabihin, habang binabantayan ng QCPD ang mamamayan sa mga lansangan, sinisiguro rin nila na ang bawat pulis ay sumusunod sa tamang batas at walang pasaway. Binabati din natin sina PCPT Shirley Capispisan at Atty. Salvador Occiano na humakot din ng mga indibidwal na parangal. Sadyang powerhouse ang team ni Gen. Silvio!

Ano ba ang sikreto ng QCPD? Ano nga ba Gen. Silvio? Sikreto nga e, ba’t naman niya sasabihin? Mamaya kapag sinabi iyan ni General ay baka maungusan na sila ng ibang distrito.

Pero sabi ni Gen. Silvio, hindi ito “one-man show” kundi ito ay bunga ng pawis at puyat ng bawat pulis—mula sa mga nagpapatrolya sa eskinita hanggang sa mga nasa opisina. Siyempre, hindi rin mawawala ang todo-suporta ni Mayor Joy Belmonte at ang pakikipagtulungan ng QCitizens.

‘Ika nga, kapag ang pulis at ang bayan ay magkakampi, talagang panalo!

Congratulations, PBGEN Silvio at sa buong QCPD family!  (30)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Editorial

Senadong nagpapanggap na malaya

WALA naman sigurong kokontra kay Senate President Alan Peter Cayetano nang igiit niyang kailangang protektahan …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Panggigipit sa Senado, panggigipit kay Juan dela Cruz

AKSYON AGADni Almar Danguilan KAKAIBA ang Senado ngayon, magulo dahil lumalabas o unti-unti nang nabubuko …

Firing Line Robert Roque

No-el at alitan ng magkapatid

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GAMIT ang kanyang posisyon sa Senado, tila humawak ng …

Sipat Mat Vicencio

Pakiusap, magbitiw ka na Alan Peter Cayetano!

SIPATni Mat Vicencio HIGIT na makabubuti kung kusang magbibitiw na lamang si Senator Alan Peter …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Political seige sa Senado, ‘di umubra kay SP Cayetano

AKSYON AGADni Almar Danguilan SIMULA nang mapalitan ang liderato ng Senado matapos mapatalsik sa trono …