Thursday , June 4 2026
Lenlen Oreta AI generated fake news

Rep. Lenlen Oreta biniktima ng AI generated fake news

ILANG residente ng Malabon ang nagalit sa kumalat na AI-generated fake news laban sa kanilang congressman na si Lenlen Oreta.

        Sinisi ng nasabing mga residente ang nasa likod ng pagpapakalat ng fake news at sinabing lumaban nang patas.

Tinukoy ng mga residente ang edited photos, manipulated statements, at maling impormasyon na kayang linlangin ang publiko at sirain ang reputasyon ng isang tao na kumalat sa kanilang komunidad.

Naniniwala sila, biktima si Oreta ng mga kumakalat na fake news at AI-generated misinformation kaugnay ng usapin ng impeachment. Gamit ang manipulated graphics, misleading captions, at out-of-context na impormasyon, pilit na binabago ang tunay na mensahe upang magdulot ng kalitohan, galit, at maling pananaw online.

Anila, mas lalong lumalala ang problema dahil sa pagdami ng mga anonymous at fake pages na tila organisadong nagpapakalat ng parehong narrative.

Dahil dito, maraming Malabonian ngayon ang nagtatanong: “Sino nga ba talaga ang nasa likod ng mga pages na ito, at ano ang tunay nilang motibo?”

“Nakalulungkot isipin na ginagamit ng ilan ang teknolohiya hindi para magbigay ng tamang impormasyon, kundi para magpakalat ng propaganda at paninira. Sa halip na makatulong sa maayos na talakayan, nagiging instrumento pa ito ng panlilinlang at division sa social media,” anang mga residente.

Ang fake news — lalo na kung pinalalabas na ‘totoo’ gamit ang AI at digital manipulation — ay hindi simpleng opinyon lamang. Kapag may intensiyon itong manlinlang at magpakalat ng maling narrative, nagiging banta ito hindi lamang sa isang tao kundi pati sa tiwala ng publiko sa katotohanan.

Dagdag nila, “Bilang mga mamamayan, mahalagang maging mapanuri. Hindi lahat ng nakikita online ay authentic o verified. Hindi dahil viral ay totoo na agad. Mahalaga ang pag-check ng source, pag-verify ng impormasyon, at pag-unawa sa buong konteksto bago mag-share o maniwala.”

“Sa panahon ng AI at fake news, mas mahalaga ngayon ang katotohanan kaysa ingay. Ang responsableng paggamit ng social media ay hindi lamang choice — responsibilidad ito ng bawat isa,” paalala ng mga Malabonian.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …