Thursday , June 4 2026
Arrest Shabu

Mahigit P2-M halaga ng shabu nasamsam, negosyanteng bebot at kasabwat tiklo sa buy-bust

DALAWANG hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Doña Remedios Trinidad Municipal Police Station, Pulilan MPS, at Provincial Drug Enforcement Unit sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy. Cutcot, Pulilan, Bulacan nitong Mayo 10, 2026.

Batay sa ulat na isinumite ni PCpt Marc Henry SJ Gonzales, hepe ng DRT MPS, kinilala ang mga naarestong suspek na isang 48-anyos na businessman at 56-anyos na businesswoman, kapwa residente ng Brgy. Barangka, Baliwag, Bulacan.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang tinatayang 300 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na humigit-kumulang sa Php 2,040,000.00.

Narekober din ang buy-bust money na isang libong piso, labindalawang piraso ng boodle money, isang kahon ng Royce Potato Chip Chocolate, at isang berdeng Toyota Vios.

Ang mga naarestong suspek at mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa DRT MPS para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng kasong paglabag sa Sections 5, 11, at 26, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon kay PColonel Jay B Baybayan, officer-in-charge ng Bulacan Police Provincial Office, patuloy nilang paiigtingin ang kampanya laban sa ilegal na droga upang maprotektahan ang mamamayan laban sa masamang epekto nito. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …