I-FLEX
ni Jun Nardo
FIFTY two na pamilya sa Maynila ang nabiyayaan ng bagong bahay nang magwagi sila sa pa-raffle ni Mayor Isko Moreno noong October 24 birthday niya. Fifty two years old na si Yorme sa araw na ‘yon at kasabay niyang nagdiwang ng kaarawan ang anak niyang Konsehal na si Joaquin Domagoso.
Umaga pa lang eh ang mga batang nasa Asilo de San Vicente de Paul sa UN Avenue, Manila ang pinasaya ni Yorme.
Then, ang mga lolo at lola sa Lualhati ng Maynila at pumasyal din siya sa Boy’s Town Manila.
At kinagabihan eh ang Manila Hopia Day sa Plaza San Lorenzo Ruiz sa Binondo ang kanyang isinagawa hanggang kahapon, Linggo.
Isang forty plus square meter in City Vertical Housing ang napanalunan via raffle sa San Lazaro Residences.
