Artista at ‘di pangkaraniwang tao sa PBB 3.0 

Pinoy Big Brother PBB Collab 3.0

I-FLEX
ni Jun Nardo

STARS din ng GMA at ABS-CBN ang karamihan sa bagong housemates sa Pinoy Big Brother 3.0 na ipinakilala sa publiko noong Sabado.

Hindi namin  kilala ang mga star ng ABS-CBN na kasali. Ang GMA artists lang ang kilala namin gaya nina Mikee Quintos, Wynwin Marquez, Raheel Byria, at Anthony Constantino.

Press release lang ang sinabing pangkaraniwang tao ang bagong housemates. Fake news pala!

Wala na bang career ang mga isinaling artista kaya ipinasok na sa Bahay ni Kuya?