Thursday , June 4 2026
Ron Angeles

Ron Angeles sumisigaw pa rin ng hustisya

RATED R
ni Rommel Gonzales

NASUWERTEHAN naming nakita sa isang event si Ron Angeles na hindi nagdamot na magpainterbyu.

Kinumusta muna namin siya.

Okay naman ako. I mean marami namang nagtanong na sa akin kung kumusta na ako and I’m doing good, I’m doing fine.

“Busy po ako sa trabaho ngayon sunod-sunod ‘yung ginagawa nating proyekto po ngayon.”

Sumikat nang husto si Ron dahil sa kumalat online na sex video scandal na makikitang may katalik siyang isang hindi kilalang babae na maraming tattoo.

Naka-move on na raw si Ron mula sa eskandalo.

Of course, of course, oo naman” ang nakangiting wika ni Ron.

Kumbaga sa akin wala na iyon. Tapos na eh, so wala na tayong magagawa roon.

“So, katulad nga ng sinasabi ko I just need to accept it and embrace the situation and para, iyon, para tuloy-tuloy lang.”

May galit ba sa puso niya para sa bumiktima sa kanya at nagkalat ng naturang sex video?

Galit sa puso? Ah… siguro wala, wala naman akong galit.

“Even though sa gumawa sa akin niyon.

“Siguro that’s the thing kaya naka-move on ako ng mabilis or mas naging masaya ako is hindi na ako nagtanim ng galit.

“Kung sino man ‘yung gumawa sa akin niyon or kung sino man ‘yung mga involved sa pangyayari na iyon, pinatawad ko na sila actually.

“Pero katulad nga ng sinabi ko and my management as well siyempre ang manager ko si Sir Bryan (Dy of Mentorque) na we’re still looking for the justice that we want.

“Hindi lang para sa akin, para sa lahat ng biktima at para roon sa mga… I mean para wala na silang mabiktima sa mga susunod na panahon.”

Kahit nakapagpatawad na si Ron ay may aksyong legal silang ginagawa laban sa mga umagrabyado sa kanya.

Actually po hanggang ngayon mayroon pa rin kaming ginagawang legalities na hindi pa namin puwedeng masabi lahat and soon malalaman niyo po kapag nakuha na natin ang justice na gusto natin.”

Ano ang natutunan niya mula sa insidente.

Ah sobrang dami!

“I mean marami akong realization lately pero one thing lang na talagang tumatak sa akin is minsan kailangan nating kontrolin talaga ‘yung emosyon natin.

“I mean ‘yung pakiramdam din natin kailangan din nating maniwala roon sa guts, na parang, I mean ‘yung kutob na ‘pag hindi siya maganda so, it’s better not to do it next time.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …