MA at PA
ni Rommel Placente
TINANONG ni Maricel Soriano ang magka-loveteam na sina Fyang Smith at JM Ibarra, nang mag-guest ito sa kanyang Youtube channel, kung ano ang pinag-aawayan ng mga ito?
Sabi ni JM kay Fyang na natatawa, “Ikaw ang sumagot. Ikaw ang laging may rason, eh.”
Sagot naman ni Fyang, “Siguro po, ‘yung mga maliliit lang po na mga bagay. Selosa po kasi ako.
“Siguro po, ‘yun ‘yung isa sa mga nagiging rason namin kung ba’t kami..hindi naman po away na malala, tampuhan lang po. Kulang sa lambing ba!”
Pero ipinaliwanag ni Fyang na hindi babae ang pinagseselosan niya.
“Kapag po kunwari, mas tumatawa siya sa jokes ng iba, kesa sa jokes ko.”
Pero kapag may tampo si Fyang ka JM ay hindi na lang siya nagsasalita.
Katwiran niya, “Kapag kunwari po kasi mainit ako, ayoko pong magsasalita.
“Kasi baka kung ano ‘yung lumabas sa bibig ko.
“So, nagpapalamig po muna ako. And then ‘pag feeling ko okey na ako, at saka po ako lalapit sa kanya.”
Pero iniirapan daw ni Fyang si JM kapag may tampo siya rito.
Sanay na raw naman si JM sa ganoong attitude ng ka-loveteam. At madali lang naman nawawala ang tampo nito sa kanya.
“Kapag na-feel ko na, okey, eto na naman siya (may tampo). Focus lang ako sa ginagawa. ko. Maya-maya, okey na siya,” sabi pa ni JM.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com